Stepson, nabugbog ng amain dahil daw sa ice cream

Stepson, nabugbog ng amain dahil daw sa ice cream

- Dahil daw sa ice cream, nabugbog ang isang binata ng kanyang amain

- Kaya naman desidido ito na sampahan ng kaso ang lalaking kinakasama ng kanyang nanay

- Sakit na rin daw kasi ito sa ulo ng ina dahil bigla-bigla na lang daw naglalaho na tatagal ng ilang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong ang magkapatid na Lovely de Ocampo, 20, at Michael de Ocampo, 18, sa programang Wanted sa Radyo na inirereklamo ang kinakasama ng kanilang ina.

Ayon sa pahayag ng magkapatid, binugbog daw ni Samuel Sampang si Michael.

Kwento ng binata, kumuha lamang siya ng ice cream sa refrigerator sa loob ng kwarto ng ina na si Dess Bautista at ng inirereklamong si Sampang.

Sinaway raw siya nito dahil siya ay nakasapatos nang pumasok sa kwarto ng mga ito.

Hindi na lang daw ito pinansin ng binata at lumabas na ngunit nag-abot pa rin sila sa labas ng kwarto.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Doon na raw siya sinapok ng lalaki kaya naibato niya rito ang kanyang sapatos na ikinagalit nito kaya siya ay pinagsusuntok na.

Maliban dito, nagbanta pa raw si Sampang na babatuhin siya ng bote, isang araw matapos siyang saktan ng lalaki.

Pinag-ayos naman daw sila ng kanilang ina ngunit hindi naman daw nagpapakumbaba ang lalaki at hindi humingi ng sorry sa binata.

Bukod dito, isiniwalat na rin ng dalawa na madalas nang mag-away si Sampang at ang kanilang ina.

Bukod daw kasi sa pagiging lasinggero nito ay bigla-bigla na lang daw itong nawawala na tumatagal ng ilang araw.

Sinang-ayunan naman ni Bautista ang pahayag na ito ng kanyang mga anak bagamat nais pa sana nito na magkasundo-sundo na lang ang mga ito.

Ayon din sa ginang, matagal na niyang sinabi kay Sampang na huwag gagalawin ang kanyang mga anak.

Aminado naman si Bautista na may katigasan rin ang ulo ng kanyang anak.

Desidido naman sina Lovely at Michael na sampahan ng kaso si Sampang.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel