Beauty queen na inalay ang kanyang korona sa totoong "reyna" ng kanyang buhay, hinangaan

Beauty queen na inalay ang kanyang korona sa totoong "reyna" ng kanyang buhay, hinangaan

- Agaw eksena sa social media ang mga larawan ng Miss Iligan 2019

- Isinuot niya kasi ang kanyang korona sa kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya

- Maging ang mga netizens ay nadama rin daw ang tindi ng emosyon ng bawat larawan ng beauty queen.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang larawan ng Miss Iligan 2019 na si Threcia Digamon na pambato ng Barangay Pala-o.

Binahagi ng Team Conato PH ang nakakaantig na larawan ni Threcia matapos niyang masungkit ang korona.

Makikitang una niyang niyakap ang kanyang lola matapos ang patimpalak at pareho silang lumuluha sa galak.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Di lamang ito, isinuot din niya ang korona sa kanyang lola na totoong reyna raw ng kanyang buhay.

Ito raw kasi ang nagpalaki sa kanya kaya naman ganoon na lamang ito kahalaga sa kanyang pagkatao.

Maging ang mga netizens ay naantig sa ginawang ito ni Threcia sa kanyang pinakamamahal na lola.

Ayon pa nga sa ilan, di na raw kailangan pa ng caption ng mga larawan dahil damang-dama nila ang emosyon sa bawat isa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito pa ang ilan pa sa mga naging komento ng mga netizens:

"Nakakaiyak naman ito, naalala ko tuloy ang lola ko"
"She did the right thing, her lola is the true queen"
"Congrats sayo at sa lola mo!"
"Very heartwarming! maayos siyang napalaki ng kanyang lola"
"Mabuting apo dahil sa maayos na pagpapalaki ng lola, congrats sa inyong dalawa!"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel