Playboy na mister, pinaasa nang pinaasa si misis sa sustento

Playboy na mister, pinaasa nang pinaasa si misis sa sustento

- Hindi na nakatiis pa si misis sa ginagawang pagtatago ni mister sa kanya dahil sa sustentong napag-usapan nila

- Dati na raw silang nagkaroon ng usapan sa PAO kaugnay nito ngunit hindi naman ito tumupad sa usapan

- Nangako naman ng tulong si idol Raffy sa ginang para maaksyunan ang reklamo nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinagtataguan na raw ang ginang na si Maria Moreno Diezmo ng kanyang mister na si Jeffrey Diezmo.

Sa programang Aksyon sa TV5, idinulog ng ginang ang kanyang reklamo sa asawa.

Inamin naman ng ginang na matagal na silang hindi nagsasama bilang mag-asawa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Mayroon na ring ibang karelasyon si Jeffrey ayon sa ginang.

Ngunit ang reklamo ni Maria ay ang hindi pagtupad ni mister sa kanilang usapan na magbibigay ito ng sustento kada buwan.

Nagkaroon na raw kasi sila ng usapan at nagkapirmahan na rin sa Public Attorney's Office taong 2017.

Nagbigay raw ito noon ng P10,000 ngunit na 'di na nasundan pa. Ayon sa ginang, dati raw kasing idinahilan nito na wala pa itong trabaho ngunit hanggang sa magkaroon na ito ng trabaho ay wala pa rin daw itong ibinigay.

Iginiit pa ng ginang na bukod sa ibinigay nito noong matapos silang magkapirmahan sa PAO ay wala nang binigay ito sa kanilang mag-ina.

Nangako naman ng tulong si Raffy Tulfo sa ginang upang maaksyunan ang reklamo nito laban sa asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel