Mga bagong disenyo ng barya, umani ng samu't-saring reaksiyon

Mga bagong disenyo ng barya, umani ng samu't-saring reaksiyon

- Nauna nang iminungkahi ang paggawa ng 20 pisong barya

- Maari umanong maihabol ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paglulunsad ng baryang P20 sa Dis­yembre

- Umani naman ito ng samu't-saring reaksiyon lalo at marami ang nahirapang gamitin ang mga barya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Bangko Sentral governor Benjamin Diokno, maari diumanong maihabol ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang paglulunsad ng baryang P20 sa Dis­yembre ayon na rin sa naunang ulat.

Ito ay mainam upang maitaon na rin para pang-Aguinaldo sa mga bata sa Pasko ayon kay Diokno.

Matatandaang napabalita na pinag-aaralan ng BSP ang posibilidad ng paglalabas ng baryang P20 matapos itong irekomenda ng University of the Philippines. Ayon kasi sa pag-aaral, isa ang 20 pesos sa pinaka malimit gamitin.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil gawa sa papel ay mabilis itong masira at maluma. Mas makakatipid diumano ang BSP sa paggawa ng pera kung magiging barya na ang P20 dahil mas pangmatagalan ito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kinaiinis naman ng marami ang New Generation Coins dahil nakakalito ito. Bukod sa halos magkasing laki lang daw ang mga bagong limang piso at ang lumang piso, pare-pareho lang ang kulay ng mga New Generation Coins.

BAGONG BARYA | Isa ka ba sa nahihirapang gamitin ang bagong piso at limang piso lalo na kapag gabi? Huwag mag alala dahil Gagawin na ring barya ang 20 piso upang lalo kayong mahirapan.
Anak ng pabigat ng pabigat bulsa ko. Nahihirapan na nga ako kasi nahuhubaran nko sa bigat at kumakapal pa. Buti pa bulsa ko daks na
Tapos next year 50 at 100 naman . Magulat ako may buo ng 2000 sa 2025
Pati 1k iparehas na sa piso! Lahat na pagmukhaing piso haha ganun din naman yon!

Nakadadagdag ang pareparehong kulay sa kalituhan ng mga jeepney dri­ver at sa mga tindera dahil dati, ginto ang kulay ng limang piso at may pilak at ginto naman ang kulay ng P10.

Ang New Generation Currency Series ay tumutukoy sa Philippine peso banknotes na inilabas simula taong 2010 at baryang inilabas ng BSP taong 2018.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking! Check out Human Meter's newest video. Check out this prank filmed in the Philippines. There's nothing better than some good vibes to make you feel alive. Wait no more and smash the play button to enjoy this hilarious video.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate