Habal-habal driver, inireklamo ang misis na OFW na may ka-lips to lips na

Habal-habal driver, inireklamo ang misis na OFW na may ka-lips to lips na

- Gustong mapauwi ni mister ang kanyang misis na OFW sa Saudi

- Nadiskubre kasi nito mula sa social media account ni misis na mayroon itong ibang lalaki

- Kaya naman sa tulong ni Raffy Tulfo, binigyan nito ng taning ang ginang para umuwi sa Pinas dahil kung hindi ay isusuplong niya ito sa mga awtoridad sa Saudi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Desidido ang mister na si Neph Pabillon, isang habal-habal driver, na pauwiin ang kanyang misis na si Annabelle Pabillon, isang OFW sa Saudi.

Ito ay matapos niyang madiskubre na mayroon palang kalaguyo ang misis sa ibang bansa sa pamamagitan ng social media account nito.

Ilan sa mga patunay sa akusasyon ni mister ay ang ilang larawan kung saan naghahalikan si misis at ang kabit nito na nagngangalang Ralph Jimenez.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nabuko rin ni Neph ang mga conversation ng misis at ng kabit nito.

Sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo kung saan humingi ng tulong si Neph, nakausap nito ang misis.

Ayon kay misis, wala na raw silang komunikasyon ni Ralph. Bagay na hindi pinaniwalaan ni mister dahil sa conversation ng dalawa na kamakailan lang daw nangyari.

Bukod dito, magkatabi lang daw ang tinitirahan ng mga ito.

Gusto ni mister na pauwiin na ito sa lalong madaling panahon para hindi niya ito sampahan ng kaso.

Nangako rin ng tulong si idol Raffy para kay mister sakaling hindi ito tumupad sa kanilang usapan.

Binigyan lamang nila ito ng pitong araw para makauwi dahil kung hindi ay pupuntahan nila ito sa Saudi at isusuplong sa mga awtoridad doon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel