Cancer patient, pumanaw 5 araw matapos matupad ang hiling para sa ina

Cancer patient, pumanaw 5 araw matapos matupad ang hiling para sa ina

- Marami ang naantig sa kwento ng carcer patient na ito na tila tinupad lamang ang hiling bago tuluyang namaalam

- Anim na taon na siyang nakikipaglaban sa cancer at sa edad na 12, tuluyan na siyang pumanaw

- Umabot na sa mahigit 6 million views ang nakakatunaw ng pusong video na ito ng bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang kwento ng batang si Keith na may terminal cancer.

Ayon sa video na binahagi ng Facebook na Inspiring, anim na taon nang nakikipaglaban sa cancer ang 12 anyos na batang lalaking ito.

Sa kabila ng isinasagawang chemotherapy, surgery at radiation sa kanya, bumabalik pa rin ang cancer nito.

Ngunit pilit pa ring lumalaban ang batang si Keith na umabot na ng anim na taon ang kanyang buhay mula nang tamaan siya ng matinding karamdaman.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ang matindi, di na mapigil ang pagkalat ng cancer sa kanyang buong katawan.

Kaya naman minabuti na ng kanyang ina na iwan ang trabaho at manatili na lamang sa tabi ng anak dahil sa di na nila alam kung gaano pa tatagal ang kanyang buhay.

Mayroon ding isang kahilingan ang bata na nais niyang matupad lalo pa at ramdam na niya ang panghihina.

Ito ay ang maihatid sa altar ang kanyang ina at maikasal ito sa long-time partner nito na tinuring na niyang ama.

Naisakatuparan naman ang emosyonal na kahilingan na ito ni Keith.

At limang araw matapos ang kasalan, pumanaw na ang bata.

Marami ang naantig sa kwento ng batang si Keith na kinakitaan ng napakaraming aral.

Katunayan, umabot na sa mahigit 6 million ang views ng nakakadurog ng puso na video na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel