Customer, binayaran pa rin ang GrabFood delivery man kahit natapon na nito ang kanyang order

Customer, binayaran pa rin ang GrabFood delivery man kahit natapon na nito ang kanyang order

- Parehong may nagawang mabuti sa isa't isa ang GrabFood customer pati na rin ang GrabFood delivery man

- Taliwas sa kadalasang nangyayari na ngayon sa mga delivery ng GrabFood, kapupulutan ito ng aral at ng kabutihang asal

- Hinangaan sila ng mga netizens na nakabasa ng kanilang nakaka-inspire na kwento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di tulad ng karamihang naglalabasang kwento tungkol sa karanasan nila sa GrabFood, kapupulutan ng aral ang nangyari sa customer na si Shy Atienza at GrabFood driver na si Celso Bernabe.

Pareho nilang binahagi sa kani-kanilang Facebook ang kakaibang karanasan na nagpapakita ng kanilang kabutihan.

May kalakasan daw noon ng ulan nang mag-order si Shy ng milk tea.

Dahil sa masama ang panahon, panay ang update ni Celso, ang GrabFood delivery man na siyang kumuha ng order ni Shy.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nakarating naman si Celso sa kinaroroonan ng customer at maide-deliver sana niya ito ng maayos nang bigla siyang nadulas paakyat ng hagdan.

Agad niyang tinext si Shy upang ipaalam ang nangyari at di na sana niya ito dadalhin pa dahil sa natapon na ang milk tea nang bahagya mula sa kanyang pagkakadulas.

Ngunit naisip ni Shy ang hirap ng delivery man na ito na sa kabila ng pangit na panahon ay nagawa naman niyang i-deliver ang order.

Isa rin sa inisip ni Shy na ang delivery man ang magbabayad nito kaya naman minabuti niyang paakyatin pa rin ito sa kanyang unit para bayaran.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Laking gulat din ni Celso sa ginawa na ito ni Shy na taliwas sa mga kwentong GrabFood ngayon kung saan may ilang customers na ang nagawa pang i-prank ang mga delivery man na nagtatrabaho naman ng maayos.

Dahil dito, hinangaan si Shy dahil sa pagmamalasakit niya sa GrabFood delivery man.

Gayundin naman si Celso na kahit pa masama ang panahon ay sinikap na mai-deliver ng maayos ang order at nagpakumbaba sa kanyang di inaasahang pagkakamali.

Bumilib ang mga netizens sa kwento ng dalawa at sana raw ay dumami ang tumulad sa mga ito na may mabubuting kalooban.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel