Jollibee crew sa Qatar, hinangaan sa pagmamalasakit sa customer na senior
- Viral ang post tungkol sa isang crew ng Jollibee sa Qatar sa pagmamalasakit nitong pakainin ang isang lolo
- Proud ang Pinay na nakasaksi ng nakakantig ng pusong tagpo na ito kaya binahagi niya ito sa kanyang Facebook
- Natuwa rin ang mga netizens dahil sa pagpapakita ng kabutihang asal ng Pinoy saan mang panig ng mundo ito naroroon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Binahagi ng Pinay sa Qatar na si Marie Grace de Jose ang nasaksihan niyang tagpo sa Jollibee roon.
Sa kanyang post, makikita ang isang Jollibee service crew na pinakakain ang isang lolo na hirap nang sumubo.
Kapansin-pansin ding naka-plastic gloves ang crew upang masigurong malinis ang kanyang mga kamay sa pagsusubo sa matanda kahit pa mayroong kubyertos.
Di lamang iyon, tinulungan pa rin nila ito hanggang sa makalabas at makauwi ng maayos mula sa Jollibee.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Ayon sa Marie Grace, sa mga ganitong pagkakataon daw mas nakaka-proud sabihing kapwa Pinoy ang nagmamalasakit sa isa't isa.
Kahit saan man daw panig ng mundo ito naroroon ay kakikitaan talaga ng kabutihang asal at likas na pagiging matulungin.
Maging ang mga netizens ay humanga rin sa ginawa ng service crew. Kahit wala sa sarili niyang bansa, nadala pa rin daw nito ang pagiging Pinoy.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"This is so heartwarming"
"God blees you kuya! nakaka-proud na Pinoy ka rin"
"Ang Pilipino talaga kahit saan pumunta likas na matulungin"
"Salamat kuya at mayroon pang tulad mo na may malasakit sa kapwa"
"Nakakatuwang isipin na kahit wala sa sariling bansa ang Pinoy na ito e nagagawa pa rin niyang magpaka-Pilipino pagdating sa pag-uugali."
POPULAR: Read more viral stories here
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking!
Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? |
Source: KAMI.com.gh