Mister na 6 taon walang sustento, ginawang magkapitbahay si legit at kabit

Mister na 6 taon walang sustento, ginawang magkapitbahay si legit at kabit

- Masama ang loob ni misis sa kanyang mister matapos daw nitong ibalandra ang kabit nito sa kanilang lugar

- Ayon kay misis, tatlong bahay lang ang pagitan nila ni kabit

- Bukod dito, anim na taon na palang hindi nagbibigay ng sustento si mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masama ang loob ng ginang na si Cynthia Estrella sa kanyang mister na si Eduardo Estrella.

Ginawa raw kasi silang magkapitbahay ng kabit nito at tatlong bahay lang ang pagitan nila ng babae nito.

Bagamat matagal na silang hiwalay, masama pa rin ang loob ng ginang sa asawa at pamilya nito.

Kaya naman lumapit na siya sa programang Aksyon kung saan nakausap niya at ni Raffy Tulfo si Eduardo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bukod sa isyu nilang mag-asawa, inireklamo na rin ni Cynthia ang kawalan ng sustento mula dito. Ayon sa ginang, anim na taon na itong hindi nagbibigay sa kanila.

Nagkaroon na raw sila ng usapan sa barangay na magbibigay ito ng P5000 kada buwan ngunit wala naman daw itong ibinigay.

Sagot naman ni mister, hindi raw kasi pinapapunta sa kanya ang kanilang mga anak para maabutan niya ang mga ito.

Dahil dito, nakatikim ito ng sermon mula kay idol Raffy. Tila raw kasi nagmamalaki pa ito kay misis gayong maaari itong makulong dahil nagkaanak na ito sa kabit nito habang kasal kay misis.

Nakahanda naman daw itong makipag-usap kay Cynthia at nangakong pupunta sa tanggapan ng TV5.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jacob Batalon’s First Reaction When He Got The Role In Spiderman

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited Philippines. Also, check out his message to Filipino fans. -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel