Kapatid ni Darwin, may ibinunyag tungkol sa PMA kaugnay ng pagkamatay nito

Kapatid ni Darwin, may ibinunyag tungkol sa PMA kaugnay ng pagkamatay nito

- Naniniwala si Dexter Dormitorio at pamilya na may kapabayaan ang PMA na nagresulta ng pagkamatay ng kapatid na si Darwin

- May inilahad pa ito tungkol sa PMA at sa ilang beses na pagkaka-ospital ng kapatid

- Nananawagan naman ang pamilya ng patuloy na suporta at panalangin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naniniwala si Dexter Dormitorio at pamilya na may kapabayaan ang Philippine Military Academy (PMA) kaya namatay ang kapatid na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ayon kasi kay Dexter sa isang panayam sa DZMM, hindi ipinaalam ng PMA sa pamilya ang ilang beses na pagkaka-ospital ni Darwin.

"Sa tatlong beses na nospital siya ni isang beses po hindi kami ininform ng PMA," anito.

Dalawang beses lang din daw sila nakatanggap ng mensahe mula sa PMA, una ay noong makapasok na ito sa cadet corps at ang sumunod na nito ay nang ibalita na sa kanila ang "an unfavorable incident."

Una nang naibalita ng KAMI, nang dalawin ni Dexter ang kapatid noong August 25 na huli na pala niyang pagkakataon na makikitang buhay ito.

August 23 nang makatanggap ng liham mula kay Darwin ang mga magulang nito at sinabing naospital siya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Naniniwala rin si Dexter na matindi na ang pangmamaltratong dinanas ng kapatid lalo pa at pitong araw itong na-confine sa ospital dahil sa chest contusion, mula August 20 hanggang 27.

Nang tanungin naman niya ang kapatid, sinabi nito na nabagsakan lang ito ng bunkmate nito.

"Hindi po siya nagsabi na may hazing na nangyari. Ang sinabi lang po niya sa akin nabagsakan siya ng bunkmate niya during nung wakeup call. He stood by his word na bawal siyang mag-squeal," ayon kay Dexter.

September 6 nang muling na-ospital si Dexter dahil rin sa parehong dahilan.

September 17, isang araw bago ito mamatay, nang isugod muli ito sa ospital dahil sa pananakit ng tiyan kung saan na-diagnose ito na may UTI ayon kay Captain Flor Apple Apostol.

"And then nagreklamo siya na masakit tiyan niya on the (Sept.) 17th tapos iaano mo UTI?" sabi pa ni Dexter.

Isa si Apostol sa mga na-relieve dahil sa pagkamatay ni Darwin.

Sa isa pang ulat ng KAMI, inilahad din ni Dexter ang resulta ng autopsy na ginawa sa katawan ng kapatid.

Base sa resulta, lubhang napinsala ang mga laman-loob ng kapatid. Nadiskubre rin na kinuryente ito sa maselang bahagi ng katawan na naganap daw noong gabi ng September 17, base sa timeline na inilahad ng PNP.

"Durog 'yung pancreas niya, durog 'yung kidneys niya, kinuryente rin po siya doon. 'Yung large intestines niya connecting sa skin napunit po 'yung around 4 to 5 inches so grabe 'yung pagdudugo nun. Mayroon din siya mga latay sa ribs na pinalo ng manipis na tubo," ayon kay Dexter sa panayam dito.

Nananawagan ng patuloy na suporta at panalangin si Dexter para sa patuloy na laban ng pamilya.

"Nananawagan po ako ng suporta at panalangin at sana po 'wag nating hayaan mamatay 'yung isyu porke't natapos na, na file na 'yung kaso, kasi hindi lang naman po ito sa kapatid ko, para po ito sa future kadete na gustong pumasok sa PMA, sa PNPA, sa anumang organization," anito.

"Hindi po kami titigil hangga't hindi namin nakukuha 'yung hustisya," sabi pa nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel