Darwin Dormitorio, wala nang malay at pulso nang isugod sa ospital

Darwin Dormitorio, wala nang malay at pulso nang isugod sa ospital

- Wala nang malay at pulso nang isugod sa ospital si PMA Cadet Darwin Dormitorio, umaga ng Setyembre 18

- Dilat din daw ang mga mata nito at kulay asul na na ang mga kuko at mga labi nito

- Base sa lumabas na diagnosis dito, cardiopulmonary arrest probably secondary to blunt thoracoabdominal injury probably to mauling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Unresponsive at wala nang vital signs si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio nang isugod ito sa ospital noong umaga ng Setyembre 18.

Base sa ulat ng GMA News, zero na ang reading ng blood pressure nito, zero na rin ang heart at respiratory rates nito, base sa isang medical certificate.

Dilat na rin ang mga mata nito at kulay asul na ang mga labi at kuko ng plebo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

May mga sugat din ito sa dibdib, tiyan, tagiliran at likod.

Binigyan pa raw ito ng cardio-pulmonary resuscitation ngunit idineklara itong patay 5:15 ng umagang iyon.

Ayon sa diagnosis dito, "cardiopulmonary arrest probably secondary to blunt thoracoabdominal injury probably to mauling".

Pirmado ito ni Captain Flor Apple Apostol, ang medical officer on duty sa Fort Del Pilar Station Hospital noong mga panahong iyon, na isa sa mga na-relieve sa pwesto kaugnay ng pagkamatay ni Dormitorio.

Si Apostol din ang sumuri kay Dormitorio isang araw bago ito pumanaw at na-diagnose ito na mayroon daw urinary track infection (UTI).

Base naman sa timeline na ibinahagi ng Baguio City Police, dumanas pa ng matinding pahirap si Dormitorio noong Setyembre 17 mula sa mga kapwa kadete, na una nang naiulat ng KAMI.

Anim na ang itinuturing na suspek sa pagkamatay ni Dormitorio na sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel