PNP, inilahad ang mga huling sandali ni Cadet Dormitorio ayon sa imbestigasyon

PNP, inilahad ang mga huling sandali ni Cadet Dormitorio ayon sa imbestigasyon

-Sa pamamagitan ng imbestigasyon, inilahad ng PNP ang mga huling sandali ng yumaong kadete na si Darwin Dormitorio

-Base na rin ito sa mga sinumpaang salaysay ng 14 na saksi kabilang na ang 12 kadete at dalawang PMA staff

-Samantala, anim na ang itinuturing na suspek sa pagkamatay ni Dormitorio

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masaklap at puno ng hirap ang huling 24 oras ng yumaong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na si 4th Class Cadet Darwin Dormitorio base sa timeline na ibinahagi ng Baguio City Police.

Sa isang ulat mula sa CNN Philippines, sinabi ni Police Chief Allen Rae Co na noong Setyembre 17, sa pagitan ng 6:30 am hanggang 9:00 am, ipinatawag ni Cadet 1st Class Axel Ray Sanupao si Dormitorio sa kwarto nito dahil sa combat boots na ibinilin nito sa huli.

Nang mabigo si Dormitorio na maibigay ang combat boots, inutusan ito ni Sanupao na sunduin sina 3rd Class cadets Shalimar Imperial at Felix Lumbag sa kanilang kwarto.

Nang naroon na muli ang mga ito, inutusan daw ng mga ito si Dormitorio na mag-squat thrusts ngunit dahil nakakaramdam na ito ng matinding sakit, lima na lamang ang nagawa nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sa utos ng isang 1st class cadet, nahiga muna si Dormitorio sa bunk bed ng isang 2nd class cadet.

Pero nang dumating daw ang may-ari ng higaan at makitang nakahiga si Dormitorio sa bunk bed nito, kinaladkad daw nito si Dormitorio sa sahig at pinagsisipa ng ilang beses.

Bandang 9:15 am, isinugod na si Dormitorio ng mga senior cadets sa PMA hospital kung saan na-diagnose ito na mayroong urinary track infection (UTI) at na-discharge din bandang 4:30 pm.

Sa pagitan naman ng 4:30 pm hanggang 11:59 pm, nakaranas ng matitinding pananakit si Dormitorio mula sa mga upperclassmen nito.

Isang 'di pa pinapangalanang upperclassman ang bumisita kay Dormitorio sa kwarto nito na noon ay namamahinga at sinipa ito sa ulo.

Sa kabila nito, sumali pa rin si Dormitorio sa mga regular na aktibidad ng mga kadete noong gabi ng Setyembre 17.

Ngunit bago maghatinggabi, kinuryente pa raw si Dormitorio sa maselang bahagi ng katawan nito gamit ang isang flashlight taser.

Umaga ng Setyembre 18, bandang 4:00 ng umaga, nadiskubreng unresponsive na ang kadete nang tangkain itong gisingin ng kanyang roommate.

Isinugod ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival bandang 5:15 ng umagang iyon.

Ayon sa ulat ng GMA News, 14 na saksi na ang pinanumpaan ang kanilang mga salaysay kaugnay ng pagkamatay ni Dormitorio.

Anim na rin ang itinuturing na suspek sa kasong ito na haharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing law.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isang liham mula kay Dormitorio ang kasama sa mga nakalap ng PNP na isinulat nito noong Agosto, na naglalaman ng ilang kalupitang dinanas nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel