Misis na aminadong may ibang "mga" lalaki, naisalba pa rin ng mister

Misis na aminadong may ibang "mga" lalaki, naisalba pa rin ng mister

- Matindi ang naging paghaharap ng mag-asawang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

- Sa kabila ng mainit nilang diskusyon, nagawa pa ring isalba ng mister ang misis sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na gamot at maging sa panlalaki di umano nito

- Tinulungan din sila ng programa ni Tulfo na makapunta na lamang sa Quezon upang makapagbagong-buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot sa mahigit 2 million views ang isang episode ng programang Raffy Tulfo In Action kung saan inireklamo ng mister ang misis na di umano'y may ilang kinasamang lalaki.

Sa video, makikitang mainit ang naging usapan ng mister na si Cedie Pantila at misis nitong si Melgie Pantila kahit pa kaharap ang sikat na host ng programa.

Sa umpisa, nagmamatigas na ang misis na makipaghiwalay sa mister.

Inaakusahan kasi siya nito na may ibang lalaki na kalaunan ay inamin naman ng babae.

Ang masaklap daw kasi, di lamang isang beses nagawa ito ng misis kundi paulit-ulit na nagyari.

Katwiran ni Melgie, nagagawa raw niya ito para lamang matustusan ang pagkukulang ng mister pagdating sa suportang pinansyal.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Sa init ng kanilang diskusyon, naisiwalat pa ni Cedie na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Melgie at ang kinakasama nito.

Ngunit nilinaw naman ng babae na di naman siya lulong at kaya naman niyang tuluyang iwan ang bisyo.

Nang mahimasmasan sa matinding sigawan at sumbatan, nagdesisyon si Tulfo na tulungan ang mag-asawa na magbagong-buhay.

Ayon kasi sa mister, nais lamang niyang ayusin ang buhay ng misis na naliligaw na ng landas alang-alang na rin sa kanilang pamilya.

Narito ang kabuuan ng part 1 ng episode na ito:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa part 2 naman ng naturang episode, sinamahan ng staff ng programa ang mag-asawa sa kanilang barangay upang doon sila magkaroon ng kasulatan patungkol sa kanilang pag-aayos.

Matapos ito, sinamahan pa rin sila ng staff ng programa ni Tulfo sa pagpili ng food cart para sa gagawing negosyo nilang mag-asawa pag-uwi ng Quezon province.

Sa kabila ng mga di magagandang pangyayari sa pamilya nina Cedie at Melgie, handang-handa na raw ang dalawang magsimula muli ng maayos na buhay sa probinsya.

Narito ang kabuuan ng video na nakuha ng KAMI sa YouTube:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel