Tatay na pilit pinababa ng driver sa jeep, may nakakaantig na kwento

Tatay na pilit pinababa ng driver sa jeep, may nakakaantig na kwento

- Viral ang post tungkol sa isang matandang lalaking sinubukang pababain ng driver sa jeep

- Ayon sa netizen, di na maganda ang amoy ni tatay kaya inireklamo na ito ng iba nilang kasakay

- Nang malaman nila ang dahilan, tila lamunin daw ng hiya ang mga kasakay nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ni Peng Contreras Carpo tungkol sa nakasakay niyang matandang lalaki sa keep.

Ayon kay Peng, inirereklamo ng mga kasakay niya ang matandang nakilala niyang si tatay Bert dahil sa di na maganda sa ilong ang amoy nito.

Dahil dito, inihinto ng driver ang jeep at pilit na pinabababa ang matanda.

Pinigilan lamang daw ito ni Peng, dala ng awa at sinabing siya na ang magbabayad ng pamasahe nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Humingi pa raw ng pasensya si tatay Bert dahil halos isang linggo na raw siyang walang ligo.

Mula pa siya sa Guimaras at namamalimos siya sa Iloilo.

Wala na kasing tumanggap sa kanya na trabaho dala na rin ng kanyang edad kaya naman naisipan na lamang niyang mamalimos.

Ipinakita pa niya ang laman ng kanyang bag na mga pagkain at damit na dadalhin niya sa kanyang pamilya.

Ang masaklap pa rito, may sakit pa ang kanyang misis na kailangan pa niyang bilhan ng gamot.

Nang malaman ito ng mga pasahero, halos lamunin daw ang mga ito ng hiya sa pangungutya nila sa matanda dahil lamang sa amoy nito.

Habang si Peng naman ay nagpipigil ng kanyang luha at nadurog daw talaga ang kanyang puso sa kwento ni tatay Bert.

Wala pang 24 oras, umani na ng positibong mga reaksyon ang post na ito ni Peng na sana raw ay magmulat sa mapanghusga nating mga mata sa mga taong nangangailangan ng ating tulong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Wag tayong mag husga agad sa mga taong dipa natin kilala dapat intindihin nalang natin si tatAy at dapat bago kayo mag husga tanungin nyo muna"
"Mas mbaho ang mga taong nanghuhusga ng kapwa....alamin nyo muna ang mga reason behind bgo kyo manghusga..godbless tatang..."
"wahhhh habang binabasa ko naiiyak aq ang lolo ko at tito ko dating basurero"
"God Bless Sayo Bro At God Bless din kay Tatay"
"wag kang mang husga c kapwa m bka masahol baho nyo kai tatay"
"Nakakaawa sana my tumolong kay tatay pls kung sino malapit sa lugar nila dalhin c tatay sa dswd at hingi ng financial assistance kung dto k lang sa manila tay ako na tutulong sau"
"Ganyan ang nagulang sana lang sa sunod wag naman ganyan kasi yung ibang tao nauuna yung kaartehan eh eh ano kung may amoy di naman nakakamatay yun"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel