Tricycle driver na nagbabasa ng Bibliya habang naghihintay ng pasahero, hinangaan

Tricycle driver na nagbabasa ng Bibliya habang naghihintay ng pasahero, hinangaan

- Viral ang larawan ng isang tricycle driver na nagbabasa ng bibliya

- Natuwa ang mga netizens dahil sa bibihira na raw silang makakita ng taong nagbabasa ng banal na aklat at sa pampublikong lugar pa

- Hinangaan ang driver at sana raw maging inspirasyon pa sa marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang di napangalanang driver dahil sa hayagang pagbabasa nito ng Bibliya sa loob ng kanyang tricycle.

Ayon sa post ng netizen na si Frank Gablines, nakita raw niya ang tricycle driver na ito na nagbabasa ng banal na aklat habang naghihintay ng mga pasahero sa labas ng isang mall sa Lapu-Lapu city.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nabanggit niya sa post na sana raw ay tularan ang driver na di nakalimot magbasa ng Bibliya anumang oras, saanmang lugar.

Maging ang mga netizens ay labis na humanga sa driver na ito dahil sa bibihira na nga naman daw sa ngayon ang gumagawa ng ganito.

Umabot na sa 34,000 ang mga postibong reaksyon ng viral post na ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilang mga komento ng netizens na nagpahayag ng paghanga sa driver:

"Praise God! God bless u tay"
"Naalala ko tatay ko,. Lagi nagbabasa ng bible,.tanong ko sakaniya kung natapos na nyang basahin yong buong bible, uo daw at di na niya alam kung ilang besis na niya naulit basahin,yon ang bisyo niya after niya magtrbaho sa bukid"
"God bless you po..ingat po palagi sa byahe..ingat po Tatay."
"Sana ma-inspire niyo po ang marami sa pagbabasa ng Bible"
"Nakakabilib si tatay, bihira na ako makakita na may hawak ng bible"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel