Netizen, may akusasyon laban sa isang McDo branch

Netizen, may akusasyon laban sa isang McDo branch

- Isang McDonald's branch sa Dumaguete ang nagpaskil at nagsasabing ipinagbabawal nila ang pag-aaral sa kanilang establisimyento

- Ayon sa store management, marami ang mga mag-aaral na ginagawa na itong silid-aralan kaya naman di nakakakain ng maayos ang ibang customer

- Nabatikos ang pagbabawal na ito ng McDonald's Dumaguete lalo pa at ang lugar ay malapit sa unibersidad at mga dormitoryo ng estudyante roon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang tweet ng isang estudyante tungkol sa di umano'y pagbabawal ng isang branch ng McDonald's na manatili sa kanila ang mga estudyante para lamang mag-aral.

Binahagi mismo ng Twitter user na si Ian Rosales Casocot ang nakapaskil sa McDonald's sa Dumaguete.

Ito ang nilalaman ng paskil: “To our valued customers: We are pleased to request you not to study in our premises. This establishment is intended for everyone who likes to dine-in and enjoy our services and delicious foods that McDonald’s has to offer. Thank you. The Management.”

Kinuwestiyon ito ni Ian lalo pa at nasa pwesto ang branch malapit sa unibersidad at mga dormitoryo ng estudyante roon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

24 hours pa raw bukas ang McDo na ito kaya naman pinupuwestuhan ito ng mag-aaral na nais magkaroon ng lugar para makapag-aral kahit abutin pa sila ng dis-oras sa gabi.

Dahil dito, umani ng halo-halong reaksyon ang naturang tweet na ito na karamihan at pambabatikos.

Katwiran ng branch, di raw kasi nagkakaroon ng maayos na kainan ang ibang customer na nais ding kumain kung halos gamit ng mga estudyante nag-aaral doon ang umuukupa ng mga mauupuan doon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa ilan, tama lamang daw na pagbawalan ito ng McDo kung hindi naman kumakain ang mga nag-aaral. Ngunit kung kumakain naman daw ito upang mag-aral, wala namang dapat na maging problema ang establisimyento.

Ngunit sigaw ng karamihan, dapat unawain ito ng branch dahil ito ang pinakamalapit na lugar na maaring mapwestuhan ng mga estudyante upang sila ay mag-aral at masisiguro nilang sila ay may makakain.

May ilang nagbigay suhestiyon na maglaan ng lugar para sa mga estudyanteng mag-aaral habang kakain nang sa gayon ay di magkaproblema sa mauupuan ang ibang customers.

Samantala, naglabas na ng opisyal na pahayag ang McDonal'd branch na ito kamakailan lamang matapos na mag-viral ang tweet ni Ian.

Ayon sa Interaksyon, nilinaw ng kontrobersyal na branch na “everybody is welcome” daw sa kanilang commercial establishment ang sinumang nais manatili rito.

Dagdag pa nila ang paghingi ng paumanhin sa nangyari at agad na bibigyang aksyon ang di magandang nangyari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel