Pinay, muntik nang bawian ng buhay matapos atakihin ng asthma sa Riyadh

Pinay, muntik nang bawian ng buhay matapos atakihin ng asthma sa Riyadh

- Isang Pinay OFW ang halos bawian ng buhay nang atakihin ng asthma

- Sabi kasi bago siya umalis ng Pinas ay “fit to work” siya

- Subalit, hindi agad-agad pinayagang umuwi ng Pinas si Maria Cristina Mendez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) sa Riyadh ang muntikan nang bawian ng buhay matapos atakihin ng asthma.

Nalaman ng KAMI na noong nasa Pilipinas pa lang si Maria Cristina Mendez, “fit to work” naman daw siya nang makuha ang resulta ng medical examination niya.

Ayon sa ulat ng Balitang Global, nakilala ni Mendez ang kanyang recruiter sa social media. Dahil sa kahirapan, tinanggap naman niya ang trabaho bilang domestic worker sa Saudi Arabia.

Alam naman ni Mendez na may history na siya ng asthma. Kaso, matagal na raw siyang hindi inaatake nito kaya akala niya ay magaling na siya.

“Matagal na po akong hindi nagkahika. Ako naman, siguro kaya naman to kasi matagal na baka nawala na,” giit niya.

Dahil sa halong pagod, init, at alikabok, muling inatake ng asthma si Mendez. Kahit na nahihirapan huminga, nagpatuloy pa rin siya sa pagtatrabaho.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dagdag pa ni Mendez, ang unang nasabi sa kanya ng agency na pinasukan niya, dalawa lang daw ang amo niya. Pero pagdating niya doon, ay naging apat na.

Kwento pa niya, ayaw daw siya pauwiin kaagad ng agency dahil ang status niya ay “refused to work.” Habang naghihintay, inilipat daw si Mendez sa bagong amo niya.

Kaya naman, sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na humingi ng tulong ang asawa niya.

Nakauwi naman na si Mendez sa Pilipinas noong Hunyo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited the Philippines. Also, check out his message to Filipino fans – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel