2 estudyante, huminto sa gilid ng daan nang marinig ang "Lupang Hinirang"

2 estudyante, huminto sa gilid ng daan nang marinig ang "Lupang Hinirang"

- Umani ng papuri ang dalawang estudyante na huminto sa gilid ng daan nang marinig ang pambansang awit

- Kita rin ang pagbibigay galang ng dalawa sa sagisag ng bansa sa pamamagitan nang paglalagay ng kamay sa dibdib

- Ayon sa ilang netizens, madalas na nakakalimutan na ng ilang Pilipino ang paggalang sa ating watawat at pambansang awit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Umani ng mga papuri ang dalawang estudyante mula sa Lipa City, Batangas na kusang huminto raw nang marinig ang pambansang awit na "Lupang Hinirang".

Ayon sa post ng Philippine Star, spotted ng kanilang schoolmate na si Mark Anthony Garais ang dalawa mula sa St. Augustine School of Nursing na nagbibigay galang sa watawat at pambansang awit ng bansa.

Late na raw kasi ang dalawa para sa flag-raising ceremony ngunit kusang huminto sa gilid ng daan at inilagay ang kanilang kanang kamay sa kanilang dibdib nang marinig na ang national anthem ng Pilipinas.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

“Kaya ko sila napicturan kase bihira na lang ‘yun sa katulad naming mga estudyante na humihinto kapag tumugtog na ang pambansang awit,” ayon kay Garais.

Dahil dito, hinangaan ng marami ang dalawang estudyante at ayon pa sa ilang netizens ay iilan na lamang ang katulad ng mga ito sa mga kabataan ngayon.

Tila marami na nga raw sa mga Pilipino ang nakakalimot sa ganitong pag-uugali na dapat sana'y kinakaugalian pa ring gawin natin.

"Continue your being patriotic... even if there are a lot of negativities. Through you guys future in Phils will have hope and shine brighter. Continue loving our beautiful country."

"Noong kami pa bsta marinig n nmin yn kht ano pang gnagawa m hinto tlaga bkt ngyn wala ng ganyan."

"Ito yung nakalimutan ng mas maraming Filipino. Na Dapat manumbalik. The best example students."

"It's true. The good values is slowly diminishing to our young ones."

"Hope bigyang pansin ng school nila ang dalawang batang ito. Para mas ma boost ung moral nila at maging mabuting students pa."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone