Emosyonal na jeepney driver na di nabayaran ng tama ng ilang pasahero, hinangaan

Emosyonal na jeepney driver na di nabayaran ng tama ng ilang pasahero, hinangaan

- Viral ang post tungkol sa isang jeepney driver na hindi nabayaran ng ilang estudyanteng naging pasahero nito

- Pasahero rin ang netizen na nagbahagi ng kwento at kahit naawa siya sa driver, nangibabaw ang paghanga niya sa kabutihang pinakita ng driver sa kabila ng nangyari

- Sana raw ay pamarisan ang driver na ito na mahinahong nakiusap sa mga pasahero at kahit 'di siya tuluyang binayaran ay nanatili pa ring kalmado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming netizens ang nakaramdam ng awa ngunit nakaramdam din ng paghanga sa jeepney driver na ikinuwento ni Cristopher Jhon Salve Barda sa kanyang viral post.

Ayon kay Cristopher, may ilan kasing kapwa niya estudyante na di nagbayad ng pamasahe.

Halos kalahati ng inaasahang kabuuang bayad ng mga pasahero ang natanggap ng jeepney driver kaya naman maya't maya ay pinapaalalahanan niya ang mga sakay na magbayad na ang di pa bayad.

Ngunit makailang beses na raw itong naniningil habang nagmamaneho ngunit wala pa ring nag-aabot sa kanya ng kulang pang bayad.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Napansin na lang daw nina Cristopher na lumuluha na ang driver at sinabing: "Nagtatrabaho ako ng maayos kailangan ko rin kumita mga anak. Sana huli na to ha, sana wag nyo na to gagawin sa iba. Kawawa yung Ibang driver na nakikipasada lang at walang sariling jeep tapos hindi kayo magbabayad."

Nadurog daw talaga ang puso ng netizen sa narinig sa driver. Naisip niya kasing paano kung sa magulang niya nangyari iyon.

Ngunit sa kabila ng di magandang nangyari na iyon, nagawa pa ring magpakita ng kabutihan ang driver.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa kada pasaherong bababa, nasasabi pa niya ang "ingat" at nagpapasalamat pa rin daw ito.

Tunay na kahanga-hanga raw ang pinakita na ito ng tsuper na sana ay 'di na raw maloko pa ng ibang pasahero.

Ito rin daw kasi ang isa sa ilan lamang na masayahing tsuper na nagbibiyahe sa kanilang paaralan.

Umabot na sa 42,000 na positibong reaksyon ang post at halos lahat ng 1,200 na komento nito ay puro papuri sa tsuper.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel