Babae, hiniwalayan ang asawa upang makasama ang 'DJ' ng kanyang kasal

Babae, hiniwalayan ang asawa upang makasama ang 'DJ' ng kanyang kasal

- Di inaasahan ng babaeng ito na mahuhulog ang kanyang loob sa disc jockey ng kanya mismong kasal

- 23 taon din ang tanda nito sa kanya ngunit labis siyang napasaya nito

- Nagawa nilang makipaghiwalay sa kanilang mga asawa upang makasama lamang ang isa't-isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing walang pinipiling oras, edad at panahon ang tunay na pag-ibig.

Gaya na lamang ng kwentong ito ni Megan Willis, 26 anyos na nahulog ang loob kay Mark Stone na 49 taong gulang na.

Ayon sa Buzzooks, nagkakilala ang dalawa dahil sa kapatid ni Megan na si Kirsten.

Nagpunta kasi si Kirsten sa bar kung saan disc jockey si Mark. Humanga ito sa husay ni Mark na makisama sa mga bisita sa bar kaya naisip niyang imbitahan ito at maging dj sa kasal ni Megan.

Nalaman ng KAMI na isang taon matapos ang kasal ni Megan, nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at napapansin din niya ang asawa na lulong na sa mga online games.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Lagi na lamang daw ito sa bahay, nakatutok sa kanyang laro at tila wala na ring oras kay Megan.

Dahil sa ganitong sitwasyon, naisipan ni Megan na bisitahin ang pamilya kung saan naroon din ang kapatid na si Kirsten.

Nagpunta sila sa bar kung saan dj si Mark at doon sila nagkausap.

Napag-usapan nila ang mga nangyayari sa kanilang buhay mag-asawa na pareho na palang nagkakaroon ng problema.

Doon nagsimula ang kanilang palagiang pag-uusap hanggang sa sila ay nagkapalagayan na ng loob.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Di nila namalayan na tuluyan nang nahulog ang loob nila sa isa't-isa sa kabila ng 23 taon na pagitan ng kanilang edad.

Maayos silang nakipaghiwalay sa kanilang mga asawa na pumayag naman sa kanilang desisyon.

Sa ngayon, masaya nang nagsasama sina Mark at Megan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel