PMA cadet, pinarusahan dahil lang daw sa nawawalang combat boots

PMA cadet, pinarusahan dahil lang daw sa nawawalang combat boots

- Pinarusahan di umano si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ng kanyang mga upperclassmen dahil lamang daw sa nawawalang combat boots

- Ito ay batay sa imbestigasyon ng Baguio City police ayon a rin sa dalawang mga saksi

- Pumanaw si Dormitorio matapos lamang magreklamo ng pananakit ng tiyan kung saan nakitaan din siya ng mga pasa dala di umano ng 'hazing'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa tinitingnan ngayong anggulo sa pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ang di umano'y pagpaparusa sa kanya dahil lamang sa nawawala niyang combat boots.

Ayon sa ulat ni Micaella Ilao ng ABS-CBN news, sina 3rd class Shalimar Imperial, 3rd class Felix Lumbag, 1st class Axl Rey Sanupao, at 2nd class Nickoel Termil ang nagsagawa ng parusa kay Dormitorio noong Setyembre 17.

Ito ay isang araw bago magreklamo ng pananakit ng tiyan si Dormitorio at binawian ng buhay.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon sa mga saksi, si Sanupao ang nag-utos ng pagpaparusa kay Dormitorio dahil sa pagkawala ng mga boots na ipinagkatiwala niya rito.

Na-expel ang mga kadete sa Philippine Military Academy matapos masangkot sa pagkamatay ni Dormitorio.

Sa panayam kay Baguio City Police Chief Col. Allen Rae Co, sinabi na isang linggo na raw nawawala ang bota ni Dormotorio na hinahanap sa kanya ng ibang kadete.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa naunang ulat naman ng KAMI, nag-anunsyo ng pagbibitiw sa pwesto si Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista bilang PMA chief kaugnay ng kontrobersyal na pagkamatay ng kadete.

Pumanaw sa edad na 20 si Dormitorio na ang tanging pangarap lamang ay maging produkto ng Philippine Military Academy.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel