Isang foreigner sa Pinas, nagpadeliver ng maraming pagkain online para ibigay sa mga rider

Isang foreigner sa Pinas, nagpadeliver ng maraming pagkain online para ibigay sa mga rider

- Nagmagandang loo bang isang foreigner na tulungan ang mga GrabFood riders

- Nagpadeliver siya ng mga pagkain online at ibinigay niya ang mga ito sa mga riders

- Labis naman ang tuwa ng mga riders sa surpresang natanggap nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang foreigner na vlogger sa Pinas ang nagmagandang loob na tulungan ang mga GrabFood riders.

Nalaman ng KAMI na si Basel ng The Hungry Syrian Wanderer ay nagpadeliver ng maraming pagkain online para maibigay sa mga riders.

Sa Youtube video post nga ni Basel ay makikitang ibinigay na rin niya ang sukli sa mga riders bilang tip.

Limang riders ang inorderan ng vlogger mula sa iba’t-ibang fast food chains sa bansa. Umorder siya ng chicken, burger, pizza, at iba pa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Tila gulat na gulat naman ang mga riders sa surpresang natanggap nila. Sabi pa nga ng isa, dadalhin niya raw ito para sa mga anak niya.

“I will bring these to my children,” sabi ng isang rider.

Paliwanag ni Basel, ginawa niya ang pamimigay ng pagkain sa GrabFood riders dahil alam niya ang hirap ng trabaho nila tulad na lang ng pagmamaneho kapag maulan o tirik ang araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman, nananawagan si Basel sa mga taong minsan ay pinagti-tripan pa ang riders na mag-oorder at biglang magca-cancel o hindi ito babayaran.

“Appealing to GrabFood customers to understand and be kinder to these people (riders) who's sacrificing their life to bring decent income to their family and to make sure that their customers get to eat what they want,” sabi ni Basel.

“Please stop doing pranks or cancelling orders and sabotaging their income. These people are hard working and deserve nothing but the best,” dagdag niya pa.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

HumanMeter was lucky to ask Jacob Batalon, who plays Spiderman’s friend Ned Leeds, several questions when he visited Philippines. Also check out his message to Filipino fans – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel