Kalunos-lunos! Resulta ng autopsy sa namatay na PMA cadet, 'di kinaya ng pamilya

Kalunos-lunos! Resulta ng autopsy sa namatay na PMA cadet, 'di kinaya ng pamilya

- Hindi makatao, ganito inilarawan ng kapatid ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ang resulta ng autopsy sa katawan nito

-Isang Medico-Legal Officer ang nagsabi raw sa pamilya sa kalunos-lunos na sinapit ng namatay na kadete

-Hindi ito katanggap-tanggap para sa mga naulila ni Darwin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi makatao. Ganito inilarawan ni Dexter Dormitorio ang sinapit ng kapatid na si Darwin Dormitorio, ang kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na namatay sa hazing.

Ayon sa ulat ng GMA News (Reporter, Marisol Abdurahman), isang Medico-Legal Officer ang nagsabi sa pamilya Dormitorio sa kalunos-lunos na resulta ng autopsy sa katawan ni Darwin.

Base sa ulat, lubhang napinsala ang mga internal organs ni Darwin dahil sa matinding bugbog mula sa hazing.

"Isipin nyo po 'yung durog po yung organs niya di ba? Yung kidneys, niya pancreas niya yung liver. Tapos may pasa pa siya dito," ayon kay Dexter.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Bukod dito, may mga marka ring nakita sa katawan ni Darwin na tila mula sa latigo.

"Parang maliit na manipis na bakal, rod, pinanghampas po sa kanya. Siguro nakatagilid siya," ani Dexter.

At tila hindi pa rito nagtapos ang pighati ng pamilya dahil ayon sa autopsy, kinuryente rin ang maselang bahagi ng katawan ng kadete.

"Kung kayo kinuryente sa bayag, kakayanin niyo?" sabi pa ni Dexter.

Ayon pa sa ulat, nakalagay sa death certificate ng kadete na ang ikinamatay nito ay "Blunt Traumatic Injuries to the Abdomen".

Una nang naiulat ng KAMI na kinumpirma mismo ng Philippine National Police (PNP) na namatay si Darwin sa hazing.

Bagamat wala pang naiulat na pahayag mula sa mga suspek, mayroong naging pahayag si Dexter kaugnay sa posibleng dahilan ng sinapit ng kapatid.

"Tingin ko naging paborito siya dahil aside sa anak siya ng Ram at yung reputation ng tatay ko. [I]nisip nila na uy, mukhang matibay to, tingnan natin kung singtibay siya ng tatay niya," anito sa panayam sa GMA News.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, inihatid na sa huling hantungan sa kanyang hometown sa Cagayan de Oro ngayong Miyerkules ang mga labi ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel