Guro, nagmalasakit 'pasanin' ang estudyanteng di makalakad para sa kanilang field trip

Guro, nagmalasakit 'pasanin' ang estudyanteng di makalakad para sa kanilang field trip

- Isang grade 4 teacher ang nagmalasakit na pasanin ang isang estudyanteng 'di makalakad

- 'Di na sana makakasama ang bata ngunit nagpresinta ang guro na pasanin ang estudyante makasama lang

- Laking tuwa ng ina ng bata sa guro na labis ang pagmamalasakit sa bata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagmalasakit ang gurong si Jim Freeman na isama ang 10 taong gulang na estudyanteng si Ryan King para sa kanilang field trip.

Ayon sa CNN, di inaasahan ng batang ito na may spina bifida na makakasali pa siya sa field trip gayung alam niyang lagi na siyang di nakakasama noon pa man.

Ang spina bifida ay isang kondisyon sa spinal cord kung saan 'di ito nabuo ng maayos dahilan upang hindi lumaki at 'di makalakad ang tinamaan nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Mas "adventurous" ang dating ng field trip na ito dahil aktwal na river ang kanilang pupuntahan kaya naman mas lalong di na umasa pa si Ryan.

Ngunit laking gulat na lamang ng kanyang ina na si Shelly nang sabihan siya ng guro ni Ryan na isasama niya ito.

Gamit ang back pack carrier, bitbit sa likod ng nagmalasakit na guro ang bata na labis na nag-enjoy sa kanilang lakad.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, makakasali na raw sa kwentuhan si Ryan sa mga kaklaseng kasama sa field trip na dati ay di niya nagagawa dahil di siya nakakasama.

Labis na nagpapasalamat din ang ina ni Ryan sa paaralan dahil sa pagpapakita ng malasakit at aruga sa kanilang mga estudyante lalo na kay Ryan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel