7 miyembro ng Dragon Boat Team, nasawi sa paglubog ng sinasakyang bangka sa Boracay

7 miyembro ng Dragon Boat Team, nasawi sa paglubog ng sinasakyang bangka sa Boracay

- Nasawi ang pito sa 21 na miyembro ng Dragon Boat Team sa lumubog na bangka sa Boracay

- Naganap ang insidente bandang 7:40 ng umaga sa sa Sitio Lingganay sa barangay Manoc-manoc

- Nailigtas ang 14 pang sakay ng bangka at kasalukuyang nagpapagaling sa Saint Gabriel Hospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patay ang pito sa 21 na miyembro ng Boracay Dragon Boat Team sa di inaasahang paglubog ng kanilang sinasakyang bangka sa Boracay.

Ayon sa Bandera, naganap ang insidente bandang 7:40 ng umaga sa Sitio Lingganay sa barangay Manoc-manoc.

Sa ulat ng CNN, nag-eensayo ang team nang maganap ang paglubog ng kanilang sinasakyang bangka.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kasama rito ang isang Russian at Chinese national ngunit lilinawin pa ng Philippine coast guard kung sila ay kasama sa team.

Di nila inaasahang mauuwi sa pagpanaw ng ilang miyembro ang aksidente sa dagat, dahil sa alam nila na marurunong dapat ang mga ito na lumangoy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman ibayong imbestigasyon ang isasagawa upang masiguro ang dahilan ng paglubog ng bangka.

Ayon naman kay Aklan Acting Municipal Mayor Frolibar Bautista, maliit ang bangka na lumubog at sobrag alon ng mga oras na iyon.

Samantala, ang 14 na miyembro ng team na nailigtas ay kasalukuyang nagpapagaling sa Saint Gabriel Hospital.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel