Kakaibang jamming ng 3 titser na may surpresa sa huli, mahigit 4M views na

Kakaibang jamming ng 3 titser na may surpresa sa huli, mahigit 4M views na

- Viral ngayon sa social media ang tatlong guro na bumirit sa kanilang video na umabot na sa 4M ang views

- Ngunit may surpresa pala sa huli ang tatlo

- Katuwaan lamang ito ngunit umabot sa daang libo ang shares at reactions sa nasabing video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral sa social media ang ginawang pagbirit ng tatlong guro mula sa Quezon City na umawit at binigyan ng "kakaibang" tunog ang kantang "Ikaw at Ako".

Ayon sa GMA News, na nai-feature pa sa kanilang Facebook page ang tatlong guro, katuwaan lamang raw nina ma'am Zenny Benlot, ma'am Cams Ramilo at ma'am Mariflor Escala ang jamming na ito.

Pero umabot sa mahigit 100,000 na ang shares at reactions ng nasabing video na in-upload ni ma'am Escala.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Habang ang views, nasa mahigit apat na milyon na! Wow!

Sa nasabing viral video, unang bumirit si ma'am Benlot kasunod si ma'am Ramilo na may mga mala-anghel na tinig.

Ngunit ang highlights pala nito ay ang pagbirit ni ma'am Escala!

Kita naman na nag-enjoy at tuwang-tuwa ang tatlo sa kanilang jamming na talaga namang marami ang sumaya.

Marami pa ang nag-tag sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) at nanawagan na i-feature ang tatlong guro na nagbigay ng good vibes sa marami.

Ipinagdiriwang ngayong buwan ang National teacher's month para bigyang pugay ang ating mga makabagong bayani.

Mula sa KAMI, binabati namin ang lahat ng guro dahil sa kanilang kadakilaan at walang katulad na serbisyo sa mga batang Pinoy.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel