101 anyos na lola, mag-isang namumuhay at patuloy ang pagtatrabaho

101 anyos na lola, mag-isang namumuhay at patuloy ang pagtatrabaho

- Isang 101 anyos na lola ang namumuhay ng mag-isa sa kanyang lumang bahay

- Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtatrabaho niya sa bukid

- Ikinuwento rin ni Lola Felicidad Cabuena kung bakit siya tumandang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lola ang namumuhay mag-isa sa isang liblib na lugar sa Ilocos Sur at lumang bahay.

Nalaman ng KAMI na si Lola Felicidad Cabuena ay tumandang dalaga kaya mag-isa lang siya sa kanyang bahay.

Ayon sa kwento ng I-Witness, si Lola Felicidad ay 101 anyos na ngayon at patuloy pa rin ang pagtatrabaho sa bukid.

“Hindi ko gusto ‘yung lagging nakaupo, walang trabaho,” sabi ni Lola Felicidad.

“Hindi puwedeng hindi ako magtrabaho,” aniya.

Kwento ni Lola Felicidad, kaya raw siya tumandang dalaga ay dahil walang nagkagusto sa kanya noon.

“Walang nagkagusto sa akin kasi ang pangit-pangit ko,” giit ni lola.

“Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka magugustuhan ano,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nagkaroon ng tagapag-alaga si Lola Felicidad. Ayon kay Regina Cabico, 94 taong gulang na si lola nang alagaan niya ito. Si Regina ay asawa ng malayong kamag-anak ni Lola Felicidad. Siya ay binabayaran ng mga pamangkin ni lola upang mag-alaga.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Punong-puno rin ng mga litrato ng mga mahal sa buhay ni Lola Felicidad ang bahay niya. Kwento niya pa, ilang miyembro ng kanilang pamilya ang natulungan niyang maging matagumpay sa buhay.

"Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko ‘yun eh saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?” sabi ni Lola Felicidad.

Mag-isa mang namumuhay si Lola Felicidad, tiyak naman na siya ay nagsilbing malaking biyaya para sa pamilya niya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

What is the Filipino word for "honeymoon"? HumanMeter is in the streets of Philippines to find out the answer to this and other questions – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel