Emosyonal na pagkikita ng TnT finalist at asawa nito matapos ang 47 na taon, viral

Emosyonal na pagkikita ng TnT finalist at asawa nito matapos ang 47 na taon, viral

- Mabilis na nag-viral ang pinakaabangang pagkikita ng Tawag ng Tanghalan finalist at ang asawa nitong matagal na niyang hinahanap

- Marami ang naantig sa kwento ni Violeta Bayawa na ang pinag-aalayan pala ng bawat kanta ay ang asawang nang-iwan sa kanya

- Sa kanilang muling pagkikita, bumuhos ang matinding emosyon na maging ang mga taong sumusubaybay sa kanilang kwento ay nakaramdam ng labis na kasiyahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang emosyonal na pagtatagpo ng Tawag ng Tanghalan finalist na si Violeta Bayawa at ang asawa nitong nahiwalay sa kanya sa loob ng 47 taon.

Binahagi ng Facebook page ng Tawag ng Tanghalan ang pinakaaabangang pagkikita ng dalawa na matagal nang inaasahan ng mga tagasubaybay ng programa.

Sa naunang ulat ng KAMI, pinaluha umano ni Violeta ang mga hurado ng TnT dahil sa makabagbag-damdamin niyang pag-awit ng "Unchained Melody."

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Doon, hinayag niya inaalay niya ang awiting ito sa kanyang "one great love" na si Zacharias.

Sa kabila ng pag-iwan nito sa kanilang mag-ina, di pa rin daw nawawala ang pagmamahal niya sa lalaking bumihag ng kanyang puso magpasa-hanggang ngayon.

Setyembre 24 nang ipalabas ang nakakaiyak na pagkikita ng dalawa kasama ang kanilang anak.

47 taon ang hinintay ni Violeta kaya malaki ang pasalamat niya sa Tawag ng Tanghalan at naisakatuparan pa ang kahilingan niyang mabuo ang kanilang pamilya.

Dahil dito, pakiramdam ni Violeta na siya ay panalo na.

Maging ang mga netizens ay naantig sa pagtatagpo na ito ng pamilya ni Violeta.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"This means a lot. Habang nabubuhay may pag asa. So naniniwala ako magkakabalikan din ang nanay at tatay ko sa takdang panahon. 14 years of broken family."
"Kitang kita sa mukha nya ang galak kay te violeta sana bigyan pa kayo ni lord ng mahabang buhay. At sa showtime maraming taon pa ang sa inyoy dumating madlang people mga host mga dancer ng showtime at higit sa lahat si meme thanks sa saya na dulot nyo araw araw god bless us"
" Looking forward na ma-MMK ang kuwento ni Lola Violeta. Aabangan ko talaga yan. Si Gina Pareño siguro bagay na gaganap jan."
"Good luck nman sa nanay veoleta.salamat nagkita dn kayo ng ga mo po.pero para sakin.iniwan qa ng 47 yers ok lng sau.ang hirap nun.kung sabgay.kung talaga one great love mo talaga suportahan nlng natin."
"Nakaka inlove ang kanilang storya wag na kayong better hanap din kayo ng true love ninyo masaya at pagpapatawad ang nasa puso."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel