Underwear na halagang P149, dahilan ng pagkakaaresto sa 23-anyos na buntis

Underwear na halagang P149, dahilan ng pagkakaaresto sa 23-anyos na buntis

- Arestado ang isang 23-anyos na buntis sa Cebu matapos itong mahuling "nagnanakaw" ng underwear

- Ayon sa ulat, nahuli ito ng security personnel sa kanyang pinagta-trabahuhang mall

- Itinanggi naman nito ang akusasyon at sinabing hindi nito sinasadya ang nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Arestado ang isang 23-anyos na buntis sa Cebu matapos itong "maaktuhang" nagnanakaw ng underwear na nagkakahalaga ng P149.

Ayon sa ulat ng SunStar Cebu, nahuli ito ng security personnel ng mall na pinagta-trabahuhan nito habang nasa kili-kili nito ang underwear noong Martes ng hapon, September 24, 2019.

Napag-alaman ng KAMI, apat na buwang buntis na ang suspek na wala nang nagawa kung hindi ang umiyak sa harap ng mga pulis nang dalhin ito doon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Itinanggi nito ang akusasyon at sinabing hindi nito sinasadya ang nangyari.

Anito, aksidente lang umano nitong nakuha ang underwear at ipinamunas sa kanyang kili-kili dahil hindi raw ito nakapagdala ng panyo.

Nagulat na lang daw ang suspek nang sitahin siya ng security personnel at makitang underwear pala ang kanyang "nagamit" para ipamunas sa kanyang basang kili-kili.

Ngunit hindi "binili" ng management ng mall ang pahayag nito at desididong sampahan ito ng kaso sa kabila ng pakiusap ng buntis na empleyado.

Dahil buntis natatakot daw ito na makulong lalo pa at kinakailangan pa nitong manatili ng ilang araw sa kulungan bago makapag-piyansa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel