52-anyos caregiver sa California, umuwi sa Pinas para i-Tulfo ang nanlamig na GF

52-anyos caregiver sa California, umuwi sa Pinas para i-Tulfo ang nanlamig na GF

- Balikbayan sa Pinas ang 52-anyos na Pinoy caregiver mula sa California para ipa-Tulfo ang kanyang nobyang bigla na lang daw nanlamig

- Ang masaklap pa, natuklasan niyang may iba na raw itong lalaki na ipinangalandakan pa sa social media

- Nakatakda na raw sana silang ikasal sa darating November at nabigyan na ito ng engagement ring na nagkakahalaga ng P60,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masama ang loob na umuwi sa Pinas ang 52-anyos na caregiver mula sa California na si Ferdinand Gomez para raw ipa-Tulfo ang kanyang nobyang si Innah Esmero, 26-anyos.

Ayon kay Gomez, June 2018 nang magkakilala sila ni Esmero sa pamamagitan ng social media. Mula roon, nagkapalagayan sila ng loob at kinalaunan ay nagkaroon ng relasyon.

Umuwi si Gomez noong February para bisitahin ang nobya at noon din ay nag-propose na siya rito.

Isang engagement ring na nagkakahalaga ng P60,000 raw ang ibinigay niya rito at nakatakda na sanang magpakasal sa November.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ngunit nito lang September nang bigla na lang daw nanlamig si Esmero at bigla na lang nakipaghiwalay sa kanya.

Ang masaklap pa, nadiskubre niya na may iba na raw palang nobyo si Esmero na ipinangalandakan pa sa social media.

Ayon kay Gomez, hindi na niya kinausap pa si Esmero at humantong na nga sa paghingi ng tulong kay Raffy Tulfo dahil daw puro kasinungalingan lang ang sinasabi nito sa kanya.

Kwento pa nito, lahat ng kaya niyang ibigay para sa nobya ay ibinigay niya kahit pa nga hindi sang-ayon ang kanyang mga anak dito.

Nais na lang na mabawi ni Gomez ang halagang naibigay niya para rito kasama na ang engagement ring na nagkakahalaga ng mahigit P300,000.

Nang makausap naman mula sa telepono si Esmero, itinanggi nito ang mga akusasyon ni Gomez.

Kaibigan lamang daw niya ang lalaking itinuturong third party sa pagitan nila ni Gomez kahit pa nga may ilang larawan sila nito na magkasama at sweet na sweet.

Nakatakdang pumunta sa Davao sina Gomez sa tulong ng programa para harapin si Esmero.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel