Pinay transgender sa Texas, biglaang nawala habang nasa bakasyon

Pinay transgender sa Texas, biglaang nawala habang nasa bakasyon

- Nag-aalala ang pamilya ng isang Pinay transgender na biglang nawala habang nasa bakasyon

- Ang huli raw alam ng pamilya nito ay nasa Dallas Fort Worth, Texas International Airport ito papunta sa Mexico

- Ngunit nakatanggap daw ng tawag ang kapatid nitong babae mula rito at nagpapa-book ito ng ticket pabalik sa Florida

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nangangamba ang pamilya ni Pauline/Paula del Mundo, isang transgender na nakatira sa Tampa, Florida, dahil sa biglaang pagkawala nito.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang huling alam ng mga kaanak nito ay nasa DFW (Dallas Fort Worth, Texas) International Airport pa si Del Mundo noong September 14, Sabado papuntang Cozumel, Mexico sakay ng American Airlines.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nakatakda itong manatili sa Iberostar Hotel sa Cozumel, ngunit ayon sa mga opisyal ng hotel ay hindi ito nag-check-in doon.

Nakatanggap pa raw ng tawag ang kapatid ni Del Mundo noong September 14 bago mag-alas sais ng gabi na humihingi ng tulong para magpa-book ng ticket pabalik sa Tampa dahil daw nagbago na ang isip nito na pumunta sa Cozumel.

Ayon sa ulat, nag-aalala ang pamilya nito dahil sabi ng mga ito ay kasalukuyang dumaranas si del Mundo ng matinding depresyon.

Bumyahe ito sa pangalang Paulino Norberto del Mundo Jr., isa itong 59-year-old transgender, naturalized American citizen, at isang federal employee.

Nananawagan ng tulong ang pamilya ni del Mundo mula sa publiko sa kung sino man ang makapagbibigay ng impormasyon tungkol dito.

LOLIT DEL MUNDO GAVIOLA: 813-3574741

YOLANDA DEL.MUNDO: 646-8298830

PHILIPPINE CONSULATE HOUSTON:346-2564522

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel