Gurong nanlibre ng pizza at soda float sa 49 niyang estudyante, viral

Gurong nanlibre ng pizza at soda float sa 49 niyang estudyante, viral

- Hinangaan ang diskarte ng isang guro upang ganahang mag-aral ang kanyang mga estudyante

- Nanlibre ito ng pizza at soda float sa 49 niyang estudyante

- Pagpapakita niya raw umano ito ng pagmamalasakit sa mga mag-aaral

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang larawan ng isang guro mula sa Zamboanga city na nagawang manlibre sa kanyang 49 na mga estudyante.

Binahagi rin ng ABS-CBN ang post ng guro na si Arnulfo Burlas, Jr. kung saan makikita ang tatlong kahon ng pizza at 49 na soda float para sa kanyang mga estudyanteng nag-e-exam.

Ayon kay "sir Jun," ito raw ang paraan niya upang ma-motivate ang kanyang mga estudyanteng kumukuha ng exam.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Hinangaan naman siya ng mga netizens dahil sa pagpapakita nito ng malasakit sa kanyang mga estudyante upang ganahan ang mga ito na mag-aral.

Pahayag pa ng ilang netizens, maswerte raw ang mga estudyanteng ito dahil sa dami raw ng gastusin ng mga guro ay naisingit pa ng kanilang sir Jun ang panlilibre sa mga ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan pa sa mga papuring komento ng netizen sa guro:

"Galing naman dapat may.award c.sir. .sana all"
"Yan ang mabuting guro."
"Happy teachers month.sana maraming guro ang kagaya mo para ma inspire ang mga bata mag school.salamat."
" I Salute you sir....God Bless po...sana po lht ng guro kagaya u..."
"Dapat yun top 1o lang sa exams ang bigyan para sa susunod na exams pagbutihin nun mga estudyante nya malaki gastos din po kung lahat cla bigyan mo pwede cguro sa pagtatapos ng school salo salo kasi yun iba teachers nagsasideline para sa pamilya nya pero proud kami sir sa ginawa mo madalang lang ma katulad nyo sir."
"Sana lahat ng guro ganyan"
" Mayaman si sir,,pero tama yan style ni sir, nasa MOT talaga yan ganyang klase ng pagmomotivate sa estudyante."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel