Pananakit ng babae sa lolang walang laban, sapul sa video

Pananakit ng babae sa lolang walang laban, sapul sa video

- Viral ang video ng lola na nagawang saktan ng isang babae

- Tila kuha ito sa bakuran kung saan pilit na pinagtatrabaho ang matanda at nang di niya ito magawa ng maayos, hinampas na lamang ito ng babae sa mukha

- Galit ang mga netizens dahil sa babaeng walang puso na nagawa ang pananakit sa lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sapul sa isang video ang walang pusong pananakit ng isang babae sa lola na kanyang bahagyang kinakaladkad pa sa kanilang bakuran.

Binahagi ng Pinoy Kahit Saan ang nakakadurog ng puso na video na marahil ay kuha ng kanilang kapitbahay.

Makikitang tila pilit na pinagtatrabaho sa bakuran ang lola at nang di na nito maayos na magampanan ang pinagagawa ng babae, bigla na lamang itong hinampas sa mukha.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Napahinto ang matanda habang hawak ang mukha. At nang pinaaalis na ito sa pwesto ng babae mapapansing nangangapa na ito.

Duda ng mga netizens, maaring natamaan ang mata ng lola kaya naman hawak pa rin ang mukha na halos di na makagalaw upang sana ay maglakad.

Nalaman ng KAMI na nanggagalaiti ang karamihan ng netizens sa walang pusong ginawa na ito ng di pa nakikilalang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"1) Malamang yaya lang yan ng lola or kasambahay.2) if ever, manugang ang may malaking chance na gumawa nyan.3) if ever sariling anak ng lola yan. Napaka walang kwenta at napaka walang hiya niya. Anong klaseng tao ang makaka gawa nyan sa isang matanda? Grabe!"
"Dyos ko po nakakadurog ng puso naman e2 walang awa lord kau na po bhl sa matnda na inaapi ng babae n un."
"Lola, wala kming magawa kundi panoorin ka, kahit durog na durog mga puso nmin habang napapanood ka nming nahihirapan,,, pero sana gabayan ka ng Diyos, at si God na lang ang bahala sa babaeng nananakit sayo na yan."
"Saan yan? Yung nagvideo after kung dito yan dapat gumawa ka ng aksyon humingi ka sana ng tulong sa barangay, dswd, kapulisan. Pati saan bang lugar yan? Nilubos lubos mo na sana ang pagtulong. Nakakawa ang mata da grabe naman!"
"Ay grabi nman yan nakakasakit ng damdamin. Sna po may nagawa kayong paraan Jan kawawa nman c Lola sa babaing yan. Sana mabigyan ng leksyon ang mga taong ganyang."
"Ang sakit makita na nakakaranas ang mga tulad ni lola ng ganitong pagtrato, na hindi naman dapat nila nararanasan."
"Pag tanda mo sanan mas masahol pa sana maranasan mo..napakawalang puso mo."

Mahigit 1 million na ang views ng video at walang ibang hiling ang mga nakapanood kundi ang matulungan ang minamaltratong lola sa lalong madaling panahon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel