Post ng ina tungkol sa di kataasang grades ng anak, kinapulutan ng mahalagang aral

Post ng ina tungkol sa di kataasang grades ng anak, kinapulutan ng mahalagang aral

- Viral ang post ng isang ina tungkol sa grades ng kanyang anak

- Sa kabila kasi ng di kataasang marka nito ay proud pa rin ang ina

- Kinapulutan daw ito ng mahalagang aral ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang post ng ina na si Jheezel Orbina Panga tungkol sa grades ng anak na hindi kataasan.

Nalaman ng KAMI na gaya ng reaksyon ng ibang magulang na makakakita ng ganitong grado ng anak, nakaramdam din daw ng pagkadismaya.

Ngunit, imbis na pagtuunan ni Jheezel ang grado ng anak na nakuha sa paaralan, naisip niya ang ibang aspeto ng pagkatao nito na labis niyang ikinatuwa bilang ina.

Masasabi raw niyang "intelligently different" ang kanyang anak na tila mas mahalaga pa raw kaysa sa gradong nakukuha nito sa eskwelahan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kinakitaan niya raw ito ng pagkamahinahon. May malasakit din ang anak sa kapwa niya bata.

Responsable na rin ito pagdating sa kapatid at maging sa pananaw nito sa paghahawak ng pera.

Dahil dito, naisip ni Jheezel na maswerte siya sa pagkakaroon ng ganoong klaseng anak.

At nang ipinaliwanag ng ina kumbakit ito nagalit sa anak, "Okay lang po mama. Mag-aaral na ko mabuti," ang naisagot nito.

Narito ang kabuuan ng viral post na labis na nakaantig sa puso ng mga netizens.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon sa kanila, marami silang natutunan sa viral post na ito lalo na ang mga magulang na aminadong napi-pressure ang mga anak sa pag-aaral.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Tama mommy, kumpara sa ibang bata, bagsaka na nga masama pa ugali"
"Madedevelop pa ang study habits niya, importante sa edad niya maayos nang nahulma ang ugali niya"
"Naiyak ako, bigla ko rin narealize na mabait pala ang anak ko kahit di ganun kataas grades niya"
"Korek, maaayos din ang grades niya, di naman kasi talaga basehan yan"
"May mga matataas nga ang grades pero masama ugali or yung iba pressured kaya parang iba takbo ng isip"
"Mabait ang anak mo, yun ang importante. study habit lang siguro ang katapat niya"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel