PMA chief, nagbitiw sa pwesto kasunod ng kontrobersyal na pagkamatay ng kadete

PMA chief, nagbitiw sa pwesto kasunod ng kontrobersyal na pagkamatay ng kadete

- Inanunsyo ni Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista ang kanyang pagbibitiw sa pwesto ngayong Martes, Setyembre 24

- Ito ay kasunod ng kontrobersyal na pagkamatay ng kadete na si Dawin Dormitorio dahil di umano sa hazing

- Nag-resign din ang commandant of the Corps of Cadets na si Brig. Gen. Bartolome Vicente Bacarro

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang kontrobersyal na pagkamatay ng PMA cadet na si Darwin Dormitorio, inanunsiyo na ni Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista ang kanyang pagbibitiw sa pwesto ngayong Martes, Setyembre 24.

Ayon sa Inquirer.net, kasama ng PMA chief na magbitiw sa kanilang pwesto ang commandant of the Corps of Cadets na si Brig. Gen. Bartolome Vicente Bacarro.

Pahayag ni Evangelista, ito raw ang tamang panahon upang gawin ang pagbibitiw sa kani-kanilang posisyon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nilinaw din niyang hindi niya basta iniwan ang posisyon sa kalagitnaan ng kontrobersiya.

Setyembre 23 nang nanawagan na si presidential spokesperson Salvador Panelo na magbitiw na sa puwesto si Evangelista.

Habang hinihintay niya ang proseso kung sino ang papalit sa kanyang iniwang posisyon, inihahanda na ni Evangelista ang separation papers ng apat na senior cadets na di umano'y responsable sa isinagawang hazing na siyang ikinamatay ni Dormitorio.

PMA chief, nagbitiw sa pwesto kasunod ng kontrobersyal na pagkamatay ng kadete

source: Manila Bulletin
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Setyembre 20 nang maiulat ang pagkamatay ng kadete na nagreklamo lang di umano ng pananakit ng tiyan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, may nakitang mga pasa sa tiyan nito na siyang ebidensya ng hazing na isinagawa kay Dormitorio.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel