Pangarap na nauwi sa bangungot! Dormitorio, pinaghandaan ang pagpasok sa PMA

Pangarap na nauwi sa bangungot! Dormitorio, pinaghandaan ang pagpasok sa PMA

-Matagal nang handa si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa pagpasok sa PMA

-Ayon sa kapatid at nobya ng kadete, alam ni Darwin ang mga pagsubok sa loob ng PMA dahil na rin paghasa at paggabay rito ng amang retirado na mula sa institusyon

-Kaya naman, naniniwala ang pamilya at mga nagmamahal rito na dapat managot ang lahat ng sangkot sa maagang pagkamatay ni Darwin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinaghandaan daw ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ang pagpasok sa Philippine Military Academy (PMA) ayon sa pamilya at nobya nito.

Ayon sa nobya ni Darwin na si Ashley Ravidas, aktibo sa mga physical fitness activities at naglalaan ng oras para mas mapalakas ang pangangatawan ang nobyo para na rin sa paghahanda sa pagsabak sa mga pagsubok sa loob ng PMA.

"He would spend hours playing basketball with his best friends," anito ayon sa ulat ng Rappler.

Sa isang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Ashley na nakatanggap pa siya ng mensahe mula sa nobyo noong August habang naka-confine ito sa PMA Hospital.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ang ama mismo nito na si Retired Colonel William Dormitorio of the PMA Class 1974 ang siyang humasa sa anak at siniguradong alam nito ang papasukin para sa pangarap.

Sa isang ulat ng News5, sinabi ng kapatid ni Darwin na si Dexter na handa ang kapatid niya sa pagpasok sa PMA.

"Ang hazing, sabi ng tatay ko is more of physical exercises. Minsan, kung masusuntok ka man, it doesn't mean na mabubugbog ka talaga. Sabi niya, hindi 'yan maiiwasan.

"Aware 'yung kapatid ko sa pinasok niya; na kung minsan, kung magkakamali ka, normal na masasaktan ka," sabi ni Dexter.

Labis ang pagdadalamhati ng mga naulila ng kadete dahil sa sinapit nito. At ayon sa mga ito, ang pagpasok sa PMA ay matagal nang pangarap ng binata.

Ngunit ang pangarap na ito ang siyang naging mitsa ng maagang pagpanaw nito.

Nakikiramay ang KAMI sa lahat ng mga naiwan ni PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel