Wasak! Pagsira ng karaoke ng barangay, ikinagigil ng mga netizens

Wasak! Pagsira ng karaoke ng barangay, ikinagigil ng mga netizens

- Nag-viral sa social media ang naging parusa ng isang barangay sa lumabag ng curfew sa karaoke

- Makikita sa post na tila winasak ng barangay ang karaoke

- Subalit, hindi naman natuwa ang ilang mga netizens dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang post ng isang barangay sa Antipolo City kung saan sinira nila ang karaoke ng mga lumalabag sa batas.

Nalaman ng KAMI na ilang mga residente ng Barangay Mambugan ang diumano’y lumabag sa 10 p.m. curfew ng paggamit ng karaoke.

“Mga ka barangay Matagal na po inuumpisahan ang batas sa karaoke na hangang 10pm lang po,” ayon sa Facebook post.

“Ito po ay isang example ng di tumutupad sa atin batas. ito din ay pinag simula ng ayaw sa kanilang lugar,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Subalit, hindi naman natuwa ang ilang mga netizens sa paninira na ginawa ng barangay. Sabi ng ibang netizens, dapat daw ay kinumpiska na lamang ng barangay ang karaoke at hindi sinira.

Narito ang ilang komento nila sa Facebook post:

“Hindi sapat na dahilan para sirain ang videoke. pagmultahin nyo nag renta. itago nalang yan. magagamit yan sa ibang pagkakataon. my mga lugar na barangay na nag papahiram ng videoke. sana nag kawang gawa nalang kayo ibigay sa ibang barangay malapit sa inyo.”
“Private property yan. Hindi dapat yan basta basta sinisira. Mabuti kung sa barangay inarkila yan. Kung meron dapat parusahan sa ganyan ay tung mga umarkila na hindi sumusunod ng ganggang 10pm lang, hindi yung videoke ang pagdidiskitahan! Imberyna. Utak papel nakaisip nyan!!”
“Ilagay sa tama bawal yan manira ng gamit dpat kinumpiska nyo nlng.. Prang ipinagmamalaki nyo pa yung mga kuha nyo dto sa netizen.. Sana mging mgandang halimbawa kau sa kapwa tao.”
“Hanggang alas dyes, pero di sinabing sirain mo ang di mo pag aari, yan ang consequence ng kulang sa kaalaman sa batas, in other point, abuse of authority po yan, respeeto lang po.”
“So masaya na kayo nyan? sikat nb kayo nyan? Pwede nyo kumpiskahin at dalhin sa Brgy. Nyo Pero yung ganyan sisirain nyo di magandang halimbawa mga ginagawa nyo Pinaghihirapan yan ng may ari para makabuo ng ganyan sinisira nyo lang.???”
“Nyek bakit sinira naman videoke.sino ba my kasalanan. Ung owner ng videoke o ung nag renta dahil hindi sinunod? Pang hanap buhay yan e. Hindi naman KATULAD NG VIDEO KARERA OR FRUIT GAME para sirain. Tsk. Wrong Move.”
“Naku dapat pinagmulta nalang yung nag arkila ng videoke hindi nanira unang una negosyo yan namuhunan jan ang may ari ng videooke at private property yan .. jusko po may masabi lang .. sana mga umuupa ng videoke ang sisihin”

Nagpaliwanag naman ang barangay sa kanilang naging aksyon. Giit nila, tatlong beses na nilang sinita ang patuloy na paggamit ng karaoke kahit lagpas na ng curfew.

Wasak! Pagsira ng karaoke ng barangay, ikinagigil ng mga netizens

Screenshot from Facebook
Source: Facebook

POPULAR: Read more viral stories here!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Many wondered why Mariane Osabel wasn't included in the final resbak of the theatre call. So, the lady clarified the real reason why she quit – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel