52-anyos na tubero, nagresign, nangutang para makapagbigay ng libreng serbisyo

52-anyos na tubero, nagresign, nangutang para makapagbigay ng libreng serbisyo

-Libo-libo na ang natulungan ng 52-anyos na tubero at ng grupo nito sa libreng serbisyong ibinibigay nila

-Nagresign ang tubero na si James Anderson sa kanyang stable na trabaho para tumulong sa mga senior citizens at mga taong nangangailangan

-Nagawa pang mangutang nito para mapondohan ang nonprofit na tumutulong sa mga matatanda at mga mahihirap na pamilya lalo na sa panahon ng taglamig

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami raw ang nagtatanong sa 52-anyos na si James Anderson kung bakit nagawa niya pang mangutang para lang maserbisyuhan ng libre ang ilang pamilya.

Pero para kay Anderson, mabuti na ang mangutang ngunit sigurado naman na may mga tao siyang maililigtas at mapapasaya sa pamamagitan ng kanyang libreng serbisyo.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

"A lot of people close to me ask: why are you getting yourself in to debt? Why are you doing this? ‘To me, debt is debt,” anito. “I would rather owe some money to somebody and another person be alive and happy and safe.”

Ayon sa article mula sa Good News Network, taong 2017 nang masaksihan ni Anderson ang hindi magandang pakikitungo ng isang home engineer sa isang matanda.

Ito raw ang naging mitsa para iwan ni Anderson ang kanyang trabaho at simulan ang nonprofit na grupo nito na Disabled and Elderly Plumbing and Heating Emergency Repair (Depher).

Pero paglilinaw ni Anderson, ang kanyang utang ay "under control" naman daw.

Malaking tulong rin ang ginawa ni Anderson na online crowdfunding donations at ilang bayad na serbisyo mula sa mga taong nais na tumulong sa kanyang grupo.

At katunayan, dahil dito at sa ilan niyang kasama sa grupo, libo-libo na ang kanilang natulungang senior citizen at mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng paggawa sa mga boilers, plumbing fixtures, at heating systems ng mga ito ng libre.

Sa kabutihang-palad naman, dinagsa ng donasyon si Anderson at ang grupo nito nang mayroong magpost tungkol sa isa sa kanilang mga natulungan.

Isang netizen ang nagpost ng kanilang invoice para sa isang 91-anyos na ginang na may leukemia.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel