Kuya, tinitinda ang sariling tanim na gulay para sa pagpapagamot ng nakababatang kapatid

Kuya, tinitinda ang sariling tanim na gulay para sa pagpapagamot ng nakababatang kapatid

- Hinangaan ang 11 taong gulang na batang lalaki dahil sa pagtulong niya sa kapatid na may karamdaman

- Matinding sakripisyo ang kanyang ginagawa sa pagtatanim ng sibuyas na siyang itinitinda niya pandagdag sa gastusin sa pagpapagamot ng kapatid

- Nang malaman pa nitong isasagawa ang bone marrow transplant sa kapatid, siya na rin ang nagpresintang donor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog ng puso ang kwento ng batang si Yan Yihang na gumagawa ng paraan upang makatulong sa pagpapagamot ng nakababata niyang kapatid.

Ayon sa ulat ni Joy sa Buzzooks, 11 anyos lamang si Yihang ngunit madiskarte na ito sa buhay.

Malaki-laki na rin kasi ang pagkakautang nila sa ospital kung saan matagal nang namamalagi ang kanyang kapatid na may sakit.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Kaya naman nag-isip ng paraan si Yihang upang makatulong sa gastusin ng pamilya.

Gumigising ng maaga si Yihang para ihanda ang paninda sibuyas at dahon nito. May sarili kasi silang tanim nito sa kanilang bakuran kaya naman naisipan niya itong pagkakitaan.

Kahit na paano, may kinikita naman siya sa paglalako nito na nagagamit nilang pantustos sa pangaraw-araw.

Laking pasalamat ng magulang ni Yihang sa kanya dahil sa murang edad nito, responsable na agad ito sa buhay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang malaman pa nga niyang kinakailangan ng bone marrow transplant ng kanyang kapatid ay di siya nagdalawang isip na magpresintang maging donor.

Tunay na nakakabilib ang pagiging kuya ni Yihang. Walang ibang hangad ang mga nakapanood ng kanyang kwento kundi ang gumaling ang kapatid nito at bumalik sa normal ang kanilang buhay.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel