Misis na nagpapadagdag ng sustento sa dating asawa, binatikos ng mga netizens

Misis na nagpapadagdag ng sustento sa dating asawa, binatikos ng mga netizens

- Nagbigay ng pahayag ang ilang netizens tungkol sa misis na nagpapadagdag ng sustento sa dati niyang asawa

- Giit ng dating mister, iyon na lamang daw ang kaya niyang ibigay dahil may tatlo na rin siyang anak sa bago nitong kinakasama

- Naungkat din kasi ang di umano'y unang paglloloko ng misis kaysa sa mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng pambabatikos ang misis na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang di umano'y ireklamo ang asawa nitong kulang ang sustento sa kanilang anak.

Sa episode ng programang Aksyon noong Setyembre 21, isinangguni na ni Charmaine Anjeli Aulo Reyes, 37, kay Raffy Tulfo ang di umano'y kulang na sustento ng kanyang dating mister.

Mayroon na kasi silang kanya-kanyang pamilya at nagkasundo na sila sa Public Attorneys office na magbibigay ng buwanang sustento na ₱3,000 ang mister na si PSSG Joefrey Reyes na isang pulis.

Daing ni Charmaine, kulang na kulang na raw ang halagang napag-usapan lalo pa at lumalaki na ang kanilang anak.

Katwiran naman ng mister, ito lamang ang kaya niyang ibigay sa anak nila ni Charmaine gayung may tatlo na rin siyang anak na binubuhay sa bago nitong kinakasama.

Namagitan na si Tulfo sa usapan at sinabing problema na ni Joefrey kung paano nito maibibigay ang hiling ni Charmaine na ₱5,000 sustento sa anak.

Narito ang kabuuan ng naging diskusyon sa programang Aksyon ni Tulfo:

Samantala, imbis na makuha ni Charmaine ang simpatya ng netizens bilang siya ang 'kinukulang' sa sustento para sa anak, tila nagawa pa siyang mabatikos dahil dito.

Nabanggit kasi ng mister na unang nagloko si Charmaine noong maayos pa silang nagsasama.

Ayon din sa mga netizens, sana raw ay inintindi ni Charmaine na mayroon na ring tatlo pang mga anak ang dating mister kaya pasalamat pa rin daw dapat ito at nabibigyan pa siya nito ng sustento.

Narito ang ilan sa mga komento ng dismayadong netizens:

"Para samin na mahirap 3k i think is good 3k kay mr tas 3k din kay mrs tama na cguroyan.. pag collage na cguro puwede tumaas"
"Kakainis naman tong Episode na to boyset ndi man lng pinakinggan ng Tulfo yong side ng Pulis"
"Jackpot nnman yung babae? Anu yan hintay lng ng pera?? Trabaho ka din oiuy!"
"Hindi fair, babae pala unang nag loko e."
"Naku.girl magtrabaho ka naman. 3k from you, 3k from him, Good enough"
"Makapal mukha ng babae. Meron kana palang pamilya tapos aasa ka pa sa pulis, ikaw pa ang nang ipot sa ulo sa pulis. Tapos nag agree na pala kayo sa korte ngayon mag da-drama ka!"
"Ayy. Yung babae naman pala unang nagloko, tapos ngayon nakapasok na sa pulis, hahabulin niya na!."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel