Netizens, may napansin sa 1 YouTuber na nagpapahiwatig daw na nasa panganib ito

Netizens, may napansin sa 1 YouTuber na nagpapahiwatig daw na nasa panganib ito

-Viral ngayon sa social media ang isang YouTuber dahil sa napansin dito ng ilang netizens

-Ayon kasi sa marami, may mga indikasyong makikita sa ilang videos nito na tila nagpapahiwatig na nasa panganib ito

-Isang post ang lumabas mula sa nasabing YouTuber na pinapabulaanan ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang isang YouTuber, hindi dahil sa influencer ito, kung hindi dahil sa napansin dito ng mga netizens.

Ayon kasi sa marami, ilang indikasyon ang napansin mula sa YouTuber na si Kate Yup na tila nagpapahiwatig na nasa panganib ito.

Kilala si Yup sa paggawa ng mga Mukbang videos o iyong mga kumakain sa harap ng camera.

Sa isang video mula sa YouTube channel na Fright Night, tinutukan nito ang ilan sa mga kontrobersyal na "pagpapahiwatig" ng YouTuber at ang kumakalat na isyu rito.

Sa isang video kasi nito, makikita na may mga pasa at galos ito sa isang braso at may sugat ang bibig nito.

Maging ang hand gesture umano nito ay tila nagpapahiwatig na humihingi ito ng tulong.

Napansin rin ng marami ang ilang capitalization sa mga subtitles nito na bumubuo sa mga salitang "SOS" at "HELP".

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ngunit ang mas nagpakilabot sa marami ay ang boses na makailang beses na narinig sa background ng mga videos katulad ng "I'm gonna kill you", "hurry up", "fast" at "c'mon".

Mas lalong tumibay ang hinala ng marami nang gumalaw ang mesa at bowl ng sauce sa harap ng YouTuber sa magkaibang videos kapag napapahinto ito sandali sa pagkain.

May mga netizens na nagsasabing may kasama itong lalaki habang nag-su-shoot ng videos nito at pinipilit siyang kumain ng napakaraming pagkain.

Sa isa pang video ni Yup, maririnig rin ang salitang "I'm sick" mula sa rito.

May iba naman na nagsasabi na posibleng may isang organisasyon itong sinalihan.

Hindi rin nakalagpas sa mga followers nito ang tila pagtatakip nito sa braso nito para umano maitago ang tattoo nito na maaari raw tatak ng organisasyon.

Isa pa sa nagpatibay sa haka-haka ng marami ng sa isang video nito ay narinig ang salitang "HELP" bagamat hindi malinaw kung mula ito kay Yup.

Sa gitna ng pagkalat ng isyu, nagpost si Yup ng isang mensahe para sa kanyang mga followers.

Pinabulaanan nito ang nga kumakalat na isyu.

Sinabi nito na walang pumipilit sa kanya na kumain ng marami at ayos lamang daw ito.

Ipinaliwanag rin ng YouTuber ang pasa at sugat sna nakita sa kanya ay dahil daw sa matinding init mula sa sikat ng araw.

Sa kabila nito, marami ang naniniwala na hindi si Yup ang nagpost ng mensaheng ito.

Habang may iba naman na naniniwala na maararing publicity lamang ito para sa maraming views.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: About Miss World Philippines Michelle Dee

Find out the details of Miss World Philippines as a result of which Michelle Dee won the crown. Do you think the new queen will make us proud? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel