Buntis na bride, pumanaw ilang sandali bago ito ikasal

Buntis na bride, pumanaw ilang sandali bago ito ikasal

- Pumanaw ang isang babae sa mismong araw ng kanyang kasal at ilang sandali lang bago ito lumakad sa altar

- Inabutan pa itong buhay ng kanyang groom na naghihintay na noon sa altar

- Ligtas naman ang sanggol na nasa sinapupunan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nauwi sa isang trahedya ang masaya sanang selebrasyon ng mag-nobyong Flavio Goncalvez at Jessica Guedes na parehong tiga-Brazil.

Sa araw mismo ng kasal ng dalawa pumanaw ang bride na si Guedes, na pitong buwang buntis, ilang sandali bago ito lumakad sa altar.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ilang minuto bago ang seremonya nang bigla na lang mawalan ng malay si Guedes sa loob ng isang limousine.

Habang ang groom na si Goncalvez ay naghihitay na noon sa harap ng altar ay biglang napasugod sa tabi ng kanyang bride nang malaman ang nangyari rito.

Inabutan pang buhay ni Goncalvez si Guedes at nasabi pa raw nito na masakit ang likod ng leeg nito.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Mayroon pa raw heartbeat ang bride ngunit nang makarating sila sa ospital ay idineklara na itong brain dead.

Napag-alaman na dumanas si Guedes ng preeclampsia, isang nakamamatay na disorder na nagpapataas ng blood pressure at posibleng maging sanhi ng stroke.

Nagkaroon na ng internal bleeding si Guedes kung kaya nagmadali ang mga doktor na isailalim ito sa cesarean section para mailigtas ang sanggol sa sinapupunan nito.

Sa isang Instagram post na ibinahagi ni Goncalvez, makikita pa ang bride na masayang-masaya habang naka-wedding gown.

Samantalang ang kanilang anak na si baby Sophia ay nanatili sa neonatal intensive care unit dahil ipinanganak itong premature.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa pang article ng KAMI, isa namang lalaki ang nalunod, ilang minuto pagkatapos nitong mag-propose sa nobya.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: About Miss World Philippines Michelle Dee

Find out the details of Miss World Philippines as a result of which Michelle Dee won the crown. Do you think the new queen will make us proud? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel