PMA cadet na namatay sa hazing, may huling hiling sa kanyang liham

PMA cadet na namatay sa hazing, may huling hiling sa kanyang liham

- Sa huling liham mula sa 20-anyos na PMA cadet na Darwin Dormitorio, may hiniling pa ito sa magulang

- Samantala, kinumpirma ng PNP na tatlong beses daw na na-ospital ang kadete bago ito binawian ng buhay

- Tatlong kadete na ang itinuturing na suspek sa pagkamatay ng binata

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang liham na ipinadala sa pamilya, humiling pa raw si Cadet 4th class Darwin Dormitorio ng pizza at doughnut.

Sa kanya ring liham sinabi ni Darwin na nasa ospital siya noon ngunit hindi naman sinabi ng binata kung bakit siya naroon.

"Ma and Pa, na-ospital pala ako ngayon pero okay lang naman na po ako. Bumisita 'yung mga kasama ko dito so nag-request ako na mag-send ng message," ayon sa ulat ng GMA News (Reporter, Marisol Abdurahman).

"Miss ko na kayo lahat lalo na si Brando (alagang aso nito). Kung bibisita si Ate at Kuya, papadala lang po ako money and pizza and doughnut hehe," anito sa liham.

"Okay lang po ako dito sa PMA, nakapag-adjust na ako sa mga walang tulog na mga panahon," dagdag pa nito.

Sa isa pang ulat ng KAMI, sinabi ng kapatid ni Darwin na si Dexter Dormitorio na binisita niya pa ang kanyang kapatid noong August 25 matapos mabasa ang liham nito para sa kanilang mga magulang na ipinadala nito sa nanay ng isa nitong kasamahan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayon sa ulat ng GMA News, idinaing na ng binata ang pananakit ng dibdib at tiyan.

Sa isa pang ulat ng KAMI, kinumpirma ng PNP na namatay ang kadete sa hazing.

Tatlong kadete na ang itinuturing na suspek sa kaso ayon sa mga lumabas na ulat.

Samantala, kinumpirma rin ng PNP na tatlong beses daw na na-confine si Darwin bago ito bawian ng buhay.

"More or less, before he was brought to the hospital, this is where most of the maltreatment happened. Actually the maltreatment happened before he was brought to the hospital in the morning of September 17," ayon kay Police Colonel Allen Rae Co, Office Director ng Baguio City Police.

Sa panayam sa pamilya ni Darwin, sinabi ng mga ito na hustisya ang kanilang hiling sa pagkamatay ng binata.

Hindi rin daw nila maalis ang maghinala na walang cover ups na nangyari.

"Devastated, still very sad. Si mama umiiyak from time to time. 'Yung tatay ko rin kahit ano, usually di mo naman nakikitang emotional 'yan pero may outburst din siya," ani Dexter.

"According to the academy, no cover-ups pero I cannot help but also speculate," dagdag pa nito.

Ang ama ni Darwin na si retired Colonel William Dormitorio, desididong papanagutin ang lahat ng may sala.

"Enforce the law, full force of the law. So, titingnan ko kung ma-relieve silang lahat," anito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: About Miss World Philippines Michelle Dee

Find out the details of Miss World Philippines as a result of which Michelle Dee won the crown. Do you think the new queen will make us proud? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel