Misis na hinimatay sa pagpanaw ng ina, nagising nang di na kilala ang asawa at mga anak

Misis na hinimatay sa pagpanaw ng ina, nagising nang di na kilala ang asawa at mga anak

- Nakakadurog ng puso ang nangyari sa isang ginang na di na nakilala ang pamilya matapos ma-coma

- Hindi raw nito kinaya ang pagkamatay ng ina dahilan para siya'y atakihin sa puso at natuluyan pa sa pagiging comatose

- Nang magising, di ito nakapagsalita agad at di rin niya kilala ang bawat miyembro ng kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di biro ang pinagdaanan ng pamilya ni Jerry Foster dahil sa sinapit ng kanyang asawa na si Pam.

Sa video na binahagi ng OWN mula sa programang The Oprah Winfrey show, makikita ang nakakadurog ng puso na sinapit ng ginang.

Kwento ng kanyang mister, 1994 noon nang nakatanggap lamang daw siya ng tawag kung saan sinabing hinimatay daw ang kanyang misis.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Iyon pala, inatake na ito sa puso dahil sa labis nitong dinamdam ang pagkamatay ng ina.

Ang masaklap, na-coma rin ito ng ilang linggo.

Paggising ni Pam, di ito nakapagsalita agad. Ang nakadagdag pa ng sakit sa pangyayari ay di na kilala ni Pam ang asawa at ang kanilang mga anak.

Sadyang napakasakit ng pangyayaring ito sa kanilang pamilya lalo pa at nilarawan nilang "supermom" si Pam.

Para tuloy ibang tao na ang ina ng tahanan dahil sa wala itong maalala maging ang araw kung kailan siya ikinasal.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sadyang mahirap para sa pamilya ang sinapit ni Pam. Aminado si Jerry na may araw na nais na niya sanang isuko ang misis.

Ngunit sa tindi ng pagmamahal niya sa asawa, handa raw siyang ipaalala rito ang dati niyang pagkatao at naniniwala siyang babalik ang lahat ng ito at magiging normal na muli ang kanilang pagsasama.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube:

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel