Magkasintahan, nagpakasal habang nakalambitin na may taas na 100 metro

Magkasintahan, nagpakasal habang nakalambitin na may taas na 100 metro

- Nakalambiting ikinasal ang magkasintahang ito sa Hainan Province sa China

- Maging ang mga abay nila ay nakabitin din sa bahagi ng bundok na may taas na 100 metro

- Ligtas naman ang lahat ng dumalo sa kakaibang kasalang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang kakaibang kasalan sa Hainan, China kung saan mga nakabitin ang ikinakasal at abay nila.

Ayon sa howtocare.net, may 100 metro ang taas ng bahagi ng Chaya Mountain kung saan dinaos ang kasalan ng dalawa.

Mapapansing naka-rubber shoes na ang bride at wala na rin itong belo para na rin sa kanyang kaligtasan.

Ang kanilang mga abay naman ay game na game ding umakyat ng bundok at bumitin kahit pa sila ay nakadamit ng tradisyunal na kasalan sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ginanap ang pag-iisang dibdib na ito noon pang November 11, 2017 na araw ng mga single sa kanilang bansa.

Mas lalong naging memorable ang kanilang kasalang ito dahil sa kakaibang konsepto.

Magkasintahan, nagpakasal habang nakalambitin na may taas na 100 metro

source: South China Morning post
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Patunay din ito ng tunay pagmamahalan ng bagong kasal dahil sa napagkasunduan nila ang ganitong uri ng seremonya kahit labis na delikado ito di lamang para sa kanila kundi maging sa kanilang mga bisita.

Wala namang nai-ulat na nasaktan at lahat naman ay ligtas matapos ang kasalan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel