Bulag na lola, patuloy paring nagtitinda ng tinapay kahit madalas siyang makupitan

Bulag na lola, patuloy paring nagtitinda ng tinapay kahit madalas siyang makupitan

- Viral ang post tungkol sa kaawa-awang bulag na lola na patuloy pa ring nagtitinda upang may pantustos ng kanyang pangangailangan

- Nakakahabag ang kalagayan ng matanda dahil madalas pa siyang makupitan ng ilang walang pusong tao

- Ngunit sa kabila nito, araw-araw pa rin siyang bumabalik sa kanyang pwesto upang magtinda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nadurog ang puso sa kalagayan ng isang 71 anyos na lolang bulag na nagtitinda pa rin ng tinapay upang may pagkakitaan.

Binahagi ng Facebook page na I AM EAT ang larawan ng matandang nakilala lamang sa tawag na aunt Nid.

Nalaman ng KAMI na araw-araw itong kumukuha ng tinapay na kanyang ilalako sa kanyang pwesto.

Mayroon namang mga taong bukal sa kalooban ang pagbili sa matanda dahil sa tapat ang mga ito na magbayad.

Ngunit ang nakalulungkot, madalas na makupitan si Aunt Nid ng mga walang pusong tao dahil alam nilang bulag ang matanda.

Sa kabila ng mga ganitong pangyayari, makikita parin araw-araw ang ngiti sa mga labi ni Aunt Nid at patuloy paring naglalako.

Bagaman at nakakaawa ang kanyang kalagayan, marami din naman ang mga humahanga sa kanya.

Di raw kasi naging hadlang sa matanda ang kanyang kapansanan upang maghanapbuhay upang di maging pabigat sa kanyang pamilya.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel