Grab driver na nilibre ng sakay ang pasaherong may dengue, umani ng papuri sa netizens

Grab driver na nilibre ng sakay ang pasaherong may dengue, umani ng papuri sa netizens

- Hinangaan ang Grab driver na nagawang i-libre ng sakay ang naging paasahero na mayroon pa lang dengue

- Bukod sa maayos na nadala sa ospital ang pasyente, di na niya pinagbayad ang sakay at inabutan pa niya ito ng ₱1,000 bilang tulong sa pasahero

- Labis siyang hinangaan ng mga netizens dahil sa busilak na kalooban nito at malasakit sa kapwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Jhane Espina tungkol umano sa mabait na Grab driver na nanlibre sa kanila ng pamasahe.

Nalaman ng KAMI na dadalhin nina Jhane sa ospital ang kapatid niyang may dengue sakay ng Grab.

Nang malaman daw ito ng driver na si Ronaldo Pillarina De Guzman, di na sila pinagbayad pa nito ng pamasaheng nagkakahalaga ng ₱310.

Bukod pa rito, pilit pang nag-abot ng ₱1,000 ang driver bilang tulong niya sa kapatid ni Jhane.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Ayaw sana nila itong tanggapin dahil sapat na sana ang libreng pamasahe ngunit di umalis ang driver hangga't di nila tinatanggap ang tulong nito.

Labis na hinangaan si Ronaldo dahil sa pagpapakita ng pagmamalasakit sa kanyang pasahero.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa YouTube:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Natutuwa ang mga netizens dahil dumarami na ang mga Grab drivers na nagpapakita ng kabutihan sa kanilang mga pasahero.

Gaya na lamang ng nauna nang nai-ulat ng KAMI tungkol sa isa ring driver ng Grab na kumpleto halos lahat ng gamit na maaring kailanganin ng kanyang pasahero sa biyahe.

Sana'y dumami pa nga ang tulad nilang kahanga-hanga ang kabutihan na pinakikita sa kanilang kapwa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel