66 anyos na lalaki, emosyonal nang makita ang tamang 'kulay' ng mundo

66 anyos na lalaki, emosyonal nang makita ang tamang 'kulay' ng mundo

- Viral ang nakakaantig na video ng lalaking tumanda na 'colorblind'

- Sa kanyang kaarawan, binigyan siya ng kanyang pamilya ng salamin para makita ang tunay na kulay ng paligid niya

- Bakas sa mukha nito ang labis na kaligayahan nang masilayan na niya ang tunay na kulay ng mundong kanyang ginagalawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal ang isang 66 anyos na lalaki sa kanyang kakaibang natanggap na birthday gift.

Binahagi ng Unofficial Kit Harington Facebook ang viral video na ito mula sa The Epoch Times.

Nang i-abot ng kapamilya niya ang regalo, sinubukan pa niyang hulaan ang laman nito.

Ngunit tila hindi ito nahulaan ng lalaki kaya naman laking gulat niya nang makita ang napakagandang regalo ng kanyang pamilya sa kanya.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Isa pala itong uri ng salamin na magbibigay ng tamang kulay sa taong 'colorblind.'

Buong buhay ng padre de pamilya na ito, mali ang kulay na nakikita niya sa kanyang paligid.

Kaya naman nang isuot na niya ang salamin, di niya mawari ang kaligayahang nadarama dahil sa unang pagkakataon, nakita niya ng tama ang kanyang mundong ginagalawan.

Emosyonal itong nagpasalamat at yumakap sa kanyang mga kapamilya dahil napakalaking tulong ng regalo na ito para sa kanya.

Maging ang mga netizens ay naantig sa viral video na ito.

Katunayan, mayroong mahigit 10 million views na ang video na ito na umani rin ng positibong reaksyon mula sa publiko.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel