Loyal na aso, ayaw bumaba sa bike ng yumaong amo habang nakabantay dito

Loyal na aso, ayaw bumaba sa bike ng yumaong amo habang nakabantay dito

-Ramdam ng lahat ang pangungulila ng isang aso matapos yumao ng kanyang amo

-Ayon sa isang netizen, ilang araw na nagpagala-gala ang aso nang ma-ospital ang matandang amo

-Hanggang sa muli nitong makita ang bike ng amo, doon na ito nakauwi sa bahay kung saan nakaburol ang yumaong lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Larawan ng pangungulila at lungkot ang isang aso dahil sa pagkawala ng kanyang amo.

Ayon sa netizen na si Lester Dela Torre, ilang araw na nagpagala-gala ang asong si Chuchu. Napag-alamang na-ospital pala ang amo nito bago binawian ng buhay.

Ayaw raw umuwi ng aso hanggang sa makita nito ang bike ng amo na si Apung Boy sa tulong na rin ng ilang residente doon.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Agad na sumakay ang aso at nakauwi na nga si Chuchu sa bahay kung saan nakaburol ang yumaong amo.

Nang makauwi, hindi na bumaba pa si Chuchu mula sa bike ng amo na tanging alaala nito kay Apung Boy, kahit pa nga hindi komportable ito.

Sa isang video na in-upload ni Dela Torre, makikita pa ang buhay pa noong si Apung Boy kasama si Chuchu nagpapakitang-gilas sa pagsakay sa bike.

Habang ang isang video naman mula sa Facebook post, kita ang lungkot kay Chuchu habang nakasakay sa bike ng amo at binabantayan ang kabaong kung saan nakahiga ang amo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz Kami: About Miss World Philippines Michelle Dee

Find out the details of Miss World Philippines as a result of which Michelle Dee won the crown. Do you think the new queen will make us proud? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel