Magkasintahang doktor, pasok sa top 10 ng 2019 Physician Licensure Examination

Magkasintahang doktor, pasok sa top 10 ng 2019 Physician Licensure Examination

- Marami ang humanga sa magkasintahang ito na parehong pasok sa top 10 ng Physician Licensure Examination

- Bukod pa rito, pareho na rin silang pasado sa Chemistry Licensure Examination noon pang 2012

- Tunay na masasabing couple goals daw ang dalawa dahil sa pareho at sabay nilang nakakamit ang tagumpay sa kanilang propesyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi naging hadlang kina Carlo Jay Dejelo at Febby Diabordo ang kanilang pag-iibigan sa kanilang tinahak na propesyon.

Katunayan, sa loob ng anim na taon nilang relasyon, halos sabay nilang napapagtagumpayan ang anumang aspeto ng kanilang buhay.

Gaya na lamang ng pareho nilang pagkakapasok sa top 10 ng 2019 Physician Licensure Examination na kalalabas lamang ng resulta kamakailan.

Top 6 si Febby habang ang kanya namang boyfriend ang top 10.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Masasabing 'relationship goals' nga raw ang nangyayari sa buhay ng mga produkto ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute (DLSHSI) sa Cavite dahil sa pareho nilang nakakamit na mga biyaya.

Nalaman ng KAMI na taong 2012 nang magtapos sina Carlo at Febby sa Silliman University sa Dumaguete City.

Sa parehong taong din na iyon, pumasa na agad sila sa Chemistry Licensure Examination.

Makalipas ang dalawang taon, naging scholar naman sila ng medical school ng DLSHSI.

Ayon kay Carlo, talagang isa sa kanilang target ang mag-top sa licensure examinations.

Tila nagkatotoo ang kanilang dati lamang na kahilingan dahil na rin sa pareho nilang inaabot ang kanilang mga pangarap bilang magkasintahan at bilang mga mahuhusay na doktor sa kanilang napiling larangan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa itinatakbo ng buhay ng dalawa.

Katunayan, ang kanilang kwento na binahagi ng Philippine Star ay may 43,000 na positibong reaksyon at 2,600 na mga pagbati.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Song Titles Into English | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel